"Nasira ko na nga ang reputasyon mo sa mga followers mo tapos isasama mo pa ako sa vlog mo? No way." Reklamo ko kay Joaquin sa kabilang linya. Ilang araw nya na din akong pinipilit magmukbang sa channel nya.
"Ang nakikita mo lang kasi yong mga negative comments, please para sa birthday ko." Hirit nya.
"Diba sabi mo miss mo na ang Filipino food? Kaya naman ipagluluto kita." Dagdag nya pa.
"I'll think about it Joaqui, I have to go. My meeting pa ako. See you later" Pagdadahilan ko at binaba na ang telepono.
"Saan punta mo?" Si Kuya Ted
"Magsashopping, anytime manganganak na si Ate kaya naman bibilhan ko ng damit ang pamangkin ko."
"Uuwi ka?"
"Yeees.. gusto mong sumama kuya?" Tanong ko at napaisip sya bigla.
Hindi ko na hinintay ang sagot nya at umalis na ako. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng energy ngayon. Masyado akong excited para sa pamangkin ko. Marami akong naiisip bilhin lalo't nalaman kong babae ang unang apo ng parents namin.
Pumunta ako sa isang shopping center sa Brookfield Place. Sa dami ng pagkaen na nakikita ko parang nakakalimutan ko ng bilhin ang ipinunta ko dito. Bago pa tuluyang maakit ng masasarap na pagkaen ay mabilis akong pumunta sa Monica + Andy shop. Maganda kasi ung tela nila dito, Earth friendly with GOTS certified,organic cotton and none of the bad stuff ang sabi.
Namili ako ng iilang klase ng dress para sa niece ko. Short sleeve lets dance iyon na may print ng royal swans at isang pink greta bear para sa kanya. Namili din ako ng iba pa na kakailanganin ni ate at syempre pasalubong nadin sa kanila.
Nang matapos, ay mabilis akong pumunta sa restaurant para naman umorder ng berry almond cake para kay Joaquin. Pupunta ako mamaya sa hotel kung saan sya nagistay for a while.
Nang makauwi ako ay nasa sala lang si kuya Ted kasama ang bunsong kapatid.
"Call your ate. Nasa delivery room na daw sya." Si kuya ang nagsalita kaya naman kaagad kong tinawagan si Kuya Nikko ang asawa ni Ate Shan.
"Hi Kuya, kamusta si Ate Shan? Nanganak na?" Bungad ko at tumatango sya at makikita mo talaga ang saya sa mukha nya.
"Yes. Daddy na ako Ash. Nililinisan pa sila ng mga nurse. I'll call you kapag pwede na ulit akong pumasok" paalam nya at kahit excited din sanang makita ang kapatid at pamangkin ay pinatay ko na.
"Let's have a vacation then,? Sasama ako sa iyo pero siguro ay isang linggo lang ako don." Sabi ni kuya ted at tumango lang ako sa kanya.
"Hintayin ko lang sa kwarto ang tawag ni kuya Nikko kuya, tapos pupunta ako sa hotel ni Joaquin mamaya to celebrate his birthday."paalam ko.
"Ha? Sinong Joaquin? Boyfriend mo ba un?" Seryosong tanong nya.
"Hindi kaibigan ko lang yon. Kwarto muna ako." Paalam ko at umakyat na. Sinabi ko na kay joaquin na payag ako mag mukbang kami at nag thumbs up lng sya. I'd waited for kuya Nikko's call ng makita na ang napaka cute na pamangkin at makausap nadin si ate at ang parents namin ay pinatay ko na ..malapit na kasing dumilim at hindi pa ako nakakapag ayos.
Nagsuot lang ako ng jeans at white long sleeve turtle neck for my tops nagsuot ako ng boots at suot ang brown coat na bili sa akin ni mom. I put a light make up and spray my favorite scent of perfume. Kinuha ko ang cake na pinatabi ko sa maid kanina at umalis na.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤