29

84 3 0
                                    

Hindi na ako dinalaw ng antok. Kanina pa ako iyak ng iyak sa hindi matukoy na dahilan. Busy ako kakabasa ng mga comment sa post na iyon. Hindi ako nag deactivate ng account. Ito lang ang nakikita kong paraan para mag move on. I want to be immune with this kind of pain.








Hindi na ako nagbasa ng mga newsfeed ko dahil maiinggit lang ako sa mga picture ng kaibigan kong naka toga. Isa kasi sa mga pangarap ko ay ang grumaduate. Nakakalungkot isipin na noong mga nakaraang araw ay excited pa ako para sa graduation at birthday ko, hindi ko aakalaing mauuwi ang lahat sa ganito.







Maraming nagmemessage sa kin. I saw a message from my schoolmates, Kyle and also my friends pero hindi ko na binuksan iyon. Pipigilan ko ang sarili na makipag communicate sa kanila. Nandito na ako sa NY at hindi ko na pwedeng bawiin ang disisyon ko. Sila din naman ang dahilan kung bakit narito ako.








Busy padin ako sa mga bagong comments sa post ni Kyle ng may nag pop up sa timeline ko. Naka public kasi ang account ko kaya anyone can see and post it. Yeah. Di rin naman ako famous para magprivate.










Gulat na gulat ako at nanginginig ang kamay ng makita ko kung sino ang nasa picture na tinag sa akin. It was me and Gian sleeping. Hindi naman kami magkayakap o malapit sa isa't isa pero kung sino man ang makakakita non ay siguradong iisipin na may nangyare sa aming dalawa.








Tinitigan kong mabuti ang larawan. I can't even say a word. Natitiyak kong si Lorraine ang may gawa nito. Tumatawag si ate thru messenger and I didn't answer it. Hinayaan ko lang sya. Siguro ay hapon na sa Pinas at papaumaga palang dito.







My tears won't stop on fallin. Nakikita ko din ang sunod sunod na chat ni Ate sa akin pero hindi ko inopen iyon. Alam kong tatawagan nya ang parents ko mamaya. Bakit kailangan pang magpost ng ganito. Ganun nya ako ka hate at nagawa nya pang ipost ang picture namin ni Gian with a hateful words?





"Check how disgusting she did to her boyfriend. Matapos kang ipagmalaki ng boyfriend mo kung kani-kaninong lalaki ka lang pala tumatabi. Ang ganda pero ang landi din. Higad, haliparot, ahas. Go to hell Ashanna!" That's what she put on the description.






Nanginginig ako sa galit at poot na nararamdaman. She is so desperate that she think she could ruin me thru social media. Damn! Gonna reap you out Lorraine! I tried to calm down myself and trying to control not to post nor comment what she posted. I know it's dummy account pero wala rin naman kasing may galit na matindi dahil sa inggit kundi sya lang.






Alam kong nag-aalala na at kating kating manampal ng tao si ate. I know my family and relatives already saw it. What the hell. I won't stopping her nor clear myself to everyone. Ang mahalaga alam ko sa sarili kong hindi ako cheater.






Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa parents ko o kahit sa tito at tita ko dito. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanila pagkalabas ko ng kwarto. Sa mismong birthday ko pa talaga.?









7 AM na dito. Naligo na kaagad ako bago lumabas ng kwarto para naman hindi halatang magdamag akong umiiyak. Nasa dining area na sila ng lumabas ako kasama nadin ang dalawa kong pinsan na si Kuya Ted ahead sakin ng 5 taon at Via na 8 taon pa lamang.







Naiilang pa akong umupo at hinihintay na may sasabihin sakin ngunit tanging pagbati sa kaarawan ko ang sambit nila. Isa isang tumayo pa sila para batiin at yakapin ako. They also gave me a gift kaya naman medyo naiyak ako dahil iba talaga ang iniexpect ko.








Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon