42

84 1 0
                                    

Nagmamadali akong bumangon ng maalimpungatan kinabukasan. Mabilis akong nagshower at nag ayos ng maalalang pupunta nga pala ako kay Kyle.








I wore a white halter neck sleeveless blouse with gold mini sequin shorts and an open toe nude sandals and a nude clutch bag. Syempre nagdala din ako ng extrang damit dahil panigurado magagalit si Kyle pag nakitang litaw ang magandang balikat at collarbones ko.








Nagpaalam ako kay ate na aalis dahil hindi ko makita ang mga magulang ko kahit si kuya Ted ay di ko matanaw. 9 am na ng makaalis ako ng bahay at ramdam ko din ang gutom. I dialled Kyle's number at dahil nakaramdam ng gutom ay nagpark muna ako sa isang bakeshop para bumili.







"Hi babe good morning." Bati ko sa kanya ngunit di ko maramdaman ang saya sa boses nya. I used my earpod para di ako mahirapan. Bumaba na ako sa sasakyan ngayon at medyo nailang dahil sa iilang taong nagkakape sa shop ang nakatitig sa akin.








"Nag almusal ka na? Sorry kung tinanghale ako ng gising." Sabi ko habang naglalakad papasok ng shop.

"It's okay. Sanay naman ako. Palagi talagang masarap ang tulog kapag magaling ang nag aalaga." He said kaya naman napatawa nya ako.

"Ang feeling.. what do you wanna eat? Nasa bake shop ako."tanong ko at pumili na ng maliit na chocolate cake."

"Bilisan mo nalang dyan babe. Miss na kita. May dala ka bang payong? Madilim na kasi sa labas."




"Wala. Pero hindi pa naman siguro ako aabutan ng ulan." Sagot ko ng sumilip ako sa labas at sakto naman na nakita ko si Lorraine kasama sila Greg at iba pa.









"I'll call you kapag malapit na ako. I love you." Paalam ko at pinatayan na sya.



"You're here." Lorraine said. At kumaway naman ang mga lalaking kasama. Naka coat silang lahat.






"Ma'am ito na po ang order nyo." Tawag sa akin ng cashier at kinuha ang maliit na box ng cake at dougnut.

"Maganda ka pa sa umaga Ash. Saan ka nyan?" Greg asked.

"Gonna meet may boyfie. You know babe time." Kumindat pa ako sa kanya ng sinabi iyo at nag asaran pa sila.

"As if namang may boyfriend ka." Singit ng bitter kong auntie. Kaya naman nginitian ko lang sya at hindi na pinansin.

"Nga pala Ash. Di na tayo matutuloy sa Iloilo bukas kaya mag Bataan nalang tayo. Sama ka ha." Masayang sabi ni Greg at tumango ako sa kanya. As if namang matutuloy din bukas e mukhang may bagyo.



"Sure. Mauna na ako. May naghihintay na kasi sa akin." Paalam ko sakanila at lumabas na sa shop at mabilis na nagdrive sa condo ni Kyle.







Mukha ngang uulan dahil madilim ang langit. Excited akong sumakay ng elevator paakyat sa condo ni Kyle. Pagkadating ko sa tapat ng pinto nya ay bukas na iyon at inabutan syang busy sa kausap sa laptop. Siguro ay may virtual meeting sya. Sumulyap lang sya sa akin saglit at ibinalik na ang tingin sa kausap.

Naka puting tshirt at shorts lang sya. Inilapag ko ang ipinamili at kumuha na muna ng tubig na maiinom. I saw him staring at me at iniangat ang kaliwang braso para sabihing maupo ako sa tabi nya kaya naman sinunod ko iyon.

Hinalikan nya ako sa pisngi kaya naman nailang ako sa kausap nya. It was his secretary. Nahihiya itong tumingin sa amin.

"By any chance na wala kang maintindihan just message me. Thank you." Paalam ni Kyle at akala ko ay tapos na ngunit may ginagawa pa sya.

Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon