35

107 1 2
                                    

Alas sais na ng gabi ng makarating kami sa bahay. Kaagad akong bumaba ng sasakyan ni Mael ng matanaw na si ate. Nagaabang na sya sa main door kasama si kuya Nikko at ang anak na karga ni kuya.










Agad kong yinakap si ate at hindi na muna hinawakan ang baby dahil sa wala pa akong ligo. Tinitigan ko lang iyon sa malayo. Napaka cute manang mana sa tita.











"Kamusta ka? Lalong gumaganda ang kapatid ko ah. Pumasok na muna tayo nagluluto pa si manang." Alok ni ate at pinuntahan ko muna sila kuya Ted na busy sa paghahakot ng gamit.










"Kuya, tara na. Mael dito ka na maghapunan." Sabi ko at tinanguan nya lang ako. Hinintay ko sila bago kami pumasok dahil hindi nga pala sila taga dito.










"Kamusta Ted? Grabe ang gwapo talaga ng lahi natin. Bakit di ka pa nag aasawa.? Pabirong sabi ni ate.










"This is Mael ate, kuya. Kaibigan ni kuya Ted." Pagpapakilala ko at bumait naman ang gago.










"Nililigawan mo ba ang kapatid ko?naku, napakapihikan yan sa lalaki. Good luck." Direktang sabi ni ate pero hinayaan ko lang yon.









"Wag mo na lang pansinin." Sabi ko kay Mael at ngiting ngiti naman syang tumingin sa akin. What the hell? Ang demonyong to!










"Maliligo lang ako saglit para mabuhat ko na ang pamangkin ko." Paalam ko na kaagad namang kinontra ni ate.










"Pagod ka tapos maliligo ka?" OA na reaksyon nya na sinangayunan naman ni kuya Nikko.







"Nakapag pahinga na ang paa ko, nagpabili ako sa kanila kanina ng slippers." Sabi ko at hindi talaga pumayag kaya naman sinabi ko nalang na magpapalit ng damit pero ang totoo ay mabilis akong naligo at nag dryer ng buhok.










Pag baba ko ay saktong nasa dining area na sila. Nagtatawanan dahil sa kwento ng dalawa. Siguro nga ay sa akin lang masungit itong si Mael dahil okay naman sya sa ibang tao.










Naupo na ako at matalim lang na tumitig sa akin si ate. Nakita nya kasing mamasa masa pa ang buhok ko.








"Anong ulam?" Tanong ko


"Sinigang syempre dumating ang paboritong anak." Sabi ni ate at sinimangutan ko sya.










"Paano naman naging paborito e pasan nyan ang mundo doon sa NY. Parang wala ng planong mag-asawa." Biglang sabi ni Mael kaya naman tinitigan ko lang sya ng matalim.










"Alam mo kasi. Lahat ng request nyan na susunod." Sagot ni ate






"Hindi no. Ang bitter mo. Minsan lang umuwi yong tao inaaway mo pa" sabi ko at pinagtawanan lang ako ni kuya Nikko.









"Wag ka munang umuwi Mael. Inom muna tayo mamaya pagkatapos kumaen." Aya sa kanya ni kuya Nikko at hindi naman tinanggihan ng loko.










"Ikaw Ash. Umiinom ka ba?" Tanong sa akin ni kuya Nikko









"Isang bote lang sya ng beer." Si kuya Ted ang sumagot








"Nice. Parang kayo ang magkapatid a. Nagbagong buhay na pala ang kapatid ko siguro nadala ka na sa huling party at inom mo dito sa Pinas." Direktang sagot ni ate Shan. I know it's offensive pero ganito kasi talaga sya kaya madalas kaming mag away non. Hindi ko sya ate kung hindi aya ganito magsalita.










Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon