"Bakit gising ka pa? Dapat magpahinga ka na. Maaga pa alis mo mamaya." Sabi ko kay Kyle naka video call kami. Nakahiga na ako at inaantok na pero tumawag pa sya. Well hindi naman sa ayaw ko pero inaantok na talaga ako.
"Na miss kita agad. Wish you where here." He said smilling. Kitang kita ko ang magandang mata nyang nakangiti sa akin. Looks like nakaupo lang sya sa living room nya at nakabukas pa ang ilaw samantalang patay na ang ilaw ko.
"My parents wants to see you. Nakita nila ang singsing na suot mo sa akin." I said at kitang kita ko kung paano lalong lumiwanag ang mukha nya.
"I want to meet them too. Pag balik ko pupunta kagad ako sa inyo." Excited nyang sabi at nginitian ko lang yon.
Nagising na lang ako kinabukasan.. nakatulugan ko pala sya kagabi. I also saw a picture of me sleeping habang may earphones sa tenga at kausap ang gwapong boyfriend ko. Sinend nya sa akin yon. Hindi sya online kaya naman nag message na lang ako sa kanya.
Naligo ako at nagbihis bago bumaba. I still hear my parents voice talking.
"Come and join us anak. San punta mo? 7 am palang." Mom said and kissed me. Nagkiss din ako kay dad bago maupo sa hapag. Ate is here too.
"Mom, Dad. Pupunta po ako sa school. Aayusin ko din ang papers ko tapos nag aya po ang mga kaibigan ko for advance party daw po for graduation." Paalam ko sa kanila at kitang kita ko kung paano tumaas ang kilay ni ate.
"Isn't it too much for a party Ashanah?, baka naman magkasakit ka na nyan sa kakainom ng alak." Masungit na tugon ni ate.. yeah alam ko tagilid ako dahil nga naman sunod sunod ang paglalalabas ko nitong nagdaang araw. I look at mom and dad.
"Isn't it too early to celebrate honey? I mean sa saturday pa iyon at marami pang pwedeng mangyare." Si Dad na ang nagsalita and I hate it kapag nag paalam ako at marami pa silang sinasabi parang ayaw ko ng pumunta..
"Kila ate Lorraine lang naman po ang venue. Besides mga kaibigan ko lang ang naroon. Isn't it unfair mom na nandoon sila tapos ako nandito lang sa bahay.?" Pagmamakaawa ko kay mom.
"Baka nandoon din ang boyfriend mo kaya ka nagpupumilit?" Singit ni ate at tinaasan ko na sya ng kilay.
"He's busy. Nasa Cebu sya for a business meeting kaya tumahimik ka ate." I said. "And beside Gian will come also. Girlfriend nya si Miya." Paliwanag ko at doon na medyo nakahinga ako ng maluwag dahil kumalma na ang mga mukha nila.
"I thought Gian likes you?" Si mom ang nagtanong at nabulunan ako sa sinabi niya.
"How many times I told you na kaibigan ko yon. Para ko na ngang kuya." Paliwanag ko at hindi parin sila tumigil.
In the end, pumayag naman sila. Mabuti nalang din at nakaalis na ako ng bahay. Baka kasi kung saan saan lang mapunta ang usapan
Meron kaming dry run ngayon for coming graduation. Actually mabilis lang yon natapos. Inayos ko na din ang mga papers ko para wala na akong poproblemahin.
"San tayo?" Tanong nya habang busy sa kakapindot sa phone. It's Gian I guess. Nasa lilim lang kami ng puno nakatayo at hinihintay si Star at Shaya.
"Hindi ka ba nagtataka?" I said at bigla syang napatingin sa akin.
"Magpapaparty si Lorraine e hindi naman natin sya close." Dagdag ko pa at mukha ding napaisip si Miya.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤