01

1.3K 21 0
                                    

The combination of dark, a dim light from the stars and moon gives a peaceful color to this place. It's a late summer night with my real friends somewhere here in Zambales.. Sitting on the golden sand, a bonfire in front of us, the sound of waves crashing against the shore, and the smell of salt water is a damn perfect!

"Cheers" sigaw ni Miya at sabay-sabay inangat ang bote ng beer "cheers" sigaw ng lahat. "Congrats college na tayo" muli niyang sigaw at nagtawanan ang lahat.

Last night na namin sa Isla, kaya sinulit na namin ang pag stay hindi na baleng mapuyat.

"Same University, different courses" si Shayah ang nagsabi at natahimik ang lahat. She is the serious type among us, not weird just really serious.

"bakit? gusto mo magkatabi padin tayo?" basag ni Miya sa katahimikan. "Hihiwalay din minsan Shayah at baka magkapalit na tayo ng mukha" dirediretso niyang sabi sabay ngisi..Hindi iyon pinatulan ni Shayah uminom lang sya ng beer.

"How about you Ash? Seryoso ka ba sa course na napili mo? An IT doesn't make sense!" Sunod sunod na tanong ni Star sakin, mapupungay na ang mga mata nito at nakasandal nadin sya kay Shayah.

"It does!" I smirked. At napaupo sya ng maayos sabay duro sakin "How can you get a boyfriend if you answered like that. It's like you didn't want to talk at all you cold-blooded woman!" Tumango tango pa silang tatlo.

"As if you have one!" I answered at tumawa kaming lahat. Kung gugustuhin lang naming magka boyfriend, hindi sa pagmamaganda pero totoong maganda kami at maraming nakapila.

Maybe, we are just the problem, masyado kaming masaya sa isa't isa, men isn't our first priority though.

"Hey, just answer me first" si Star na hindi ako nilubayan. "Your family owns a big company, so bakit kailangan mag-IT e pwede namang BA nalang.?" Maarte niyang tanong.

"What's new Star?, She's abnormal!" tumatawang sabi ni Miya at nagsindi ng yosi. "Don't ask her what to do, cause she will never do it" si Shayah ang nagsalita. Ngumiti ako sa kanya at magha-hi five sana pero syempre hindi niya ginawa iyon.

"So magmamaganda ka lang sa IT department, ganon?" dagdag pa ni Star na hanggang ngayon hindi pa natatapos sa issue ko. "I can study and learn." kunot noo kong baling sa kanya.

"Star, asan ba utak mo? Kanina ka pa ha. Malamang hindi lang maganda meron tayo, we also have this!" turo ni Miya sa ulo niya nang hindi na makapagtimpi. "Well, medyo tagilid nga pala pagdating sayo." Medyo seryoso nya pang dagdag at muli nagtawanan kaming apat.

It's 11:00 p.m pero hindi padin kami tapos uminom. I even saw from afar the other groups in the same Island na unti unting pinapatay ang bonfire, siguro ay matutulog na sila.

Nag-strum pa muna ng gitara si Shayah at plinay ang "breathe ni Taylor Swift. Shayah really good in playing a guitar, she really have a nice voice also, kaso samin niya lang pinaparinig.

This isn't a first time staying at the beach with them. Actually, every year nagbabakasyon talaga kami sa magagandang lugar dito sa Pilipinas. Ngayon lang napalapit ng gala dahil after our Graduations every one went abroad, others in province for a vacay.

At hindi kami papayag na this year wala kaming gala. Swerte nadin namin dahil kahit July na ay hindi umulan.. Masyado kaming pinagbigyan.

Last year we went to Ilocos.. lima kami noon kasama namin ang ang kuya ni Star. Kapag sa Luzon kami pupunta at malayo, lagi namin syang kasama para may papalit sa pagdadrive. Kapag ganito na malapit lang tulad ngayon, nagpapaiwan na sya bukod sa OP sya samin busy din yata sya sa enrollment.

Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon