04

241 8 0
                                    

"salamat sa libre" sabi ko nang makababa kami sa kotse na at nasa harap na ulit ng Mansyon nila.

"Anything for you!" he smiled "ano na kasi type mo?" seryoso niyang tanong na ikinatigil ko.

"Inutos ba ni Joaquin sayo yan?" balik na tanong ko sa kanya at kumunot lang ang noo niya. Umiling lang sya nang makabawi.

Hindi ko na pinansin iyon at dumiretso na ako sa kwarto ni Star nang hindi ko sila makita sa pool.

"Yong totoo san ka talaga nagpunta? Nandito cellphone mo oh!" Bungad kagad sa akin ni Miya nang makapasok sa kwarto kung nasan sila.

"ba't mo naman sinolo si kyle? May gusto ka ba sa kanya? tanong naman ni Shayah.

"bakit, selos ka?" tanong kong ngumising aso sa kanya at binato niya ako ng unan sa mukha.. sinimangutan nila ako. Problema ng mga to!?

"Iniwan mo si Joaquin! Tinamaan si gago sayo, andaming tanong tungkol sayo e!" si Miya naman ngayon.

"bakit, nasaktan ka?" tanong ko sa kanya at lumapit na talaga sya sa akin para sabunutan ako..

"Ang harot!" dagdag niya pa at nagtawanan kami..

"Di mo type?" tanong ni star at napa sign of the cross ako.( t-y-p-e ) word of the day. Tumawa sila sa reaksyon na ginawa ko.

"what the hell, sayo na lang Miya." at agad akong binatukan dahil nasa tabi ko lang sya. mapanakit talaga!

"Di ako kumakaen ng tira-tira." maarte niyang sabi at inirapan pa ako.

"Anong gusto niyo? Maki join na lang tayo kila kuya o dito na lang tayo?" tanong naman ni Star at agad umiling kaming tatlo.

"Dito na lang, ampapangit ng naroon" pabirong sabi ni Shaya at nagtanguan kaming lahat..

Nagdala ng isang case na beer at pulutan si Star sa room niya. Malaki at malawak naman kasi ang kwarto niya. Halos isang normal na bahay na iyon para sa middle class. Doon kami pumwesto sa sofa niyang malapad, merong mini table sa gitna at sa harap ay ang malaking flat screen tv.

"Kelan ka magtatry-out Ash?" tanong ni Shayah nang makapwesto at kumunot ang noo kong nang maalala ang sinabi niya. May balak nga pala akong sumali sa varsity team ng volleyball para sa school.

Noong summer ang try out pero dahil nasa abroad kami the whole summer vacation at masyado akong kampante ay sa last week of enrollment na lang ako mag tatry out..still open for try outs pa rin naman sila hanggang ngayon  Nasa school din naman si Star at next week palang sya mag-ienroll.

"Next week na ako. Kayo? Anong team balak niyong salihan?" Isa isa ko silang tiningnan.

"Especially you" baling ko kay Shayah dahil magaling talaga syang kumanta.

"I'm not into it" she waved her hands.

"Cheer ka na lang namin sa mga laro mo Ash, alam mo namang wala akong talent, ganda lang talaga meron ako." Si miya na umiirap pa habang nagsasalita. Tamaan ka sana ng hangin!

Nagtanguan sila at sabay sabay na tumawa.

"Ikaw star, ano na kukunin mo?" bigla kong tanong nang maalala sya.

"Kung nasan ka, doon ako!" Iyon lang ang sabi niya na ngumiwi ako.

"Abnormal, hindi ako seryoso sa course na kinuha ko at baka mag shift ako kapag na bored." paliwanag ko at inirapan niya ako.

"Sigurado ba kayo sa disisyon niyo? Bakit hindi na lang mag business? Lalo na sa iyo Ash, kung may balak ka palang maging varsity player" si Shayah naman ang seryosong nagsalita.

Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon