03

283 11 0
                                    

Hindi ko sya pinansin at dumiretso na sa taas kung saan ang kwarto ni Star. Hindi na ako kumatok, dire diretso akong pumasok sa kwarto niya. Nagkakagulo sila don, napahinto at manghang tumingin silang tatlo sa akin.






"Dumating ka pa!" Sabi ni Miya sabay hatak sakin paupo sa kama ni Star. Sanay na sila sa akin na lagi akong late.








"Kwento muna dali.." sabi niya pa. Inirapan ko sya. "Pwede bang kumaen muna? Nagugutom na ako." reklamo ko at kumislap ang mga mata nila.








"Sige, samahan ka namin sa baba nandon sa pool ang pagkaen" excited na sabi ni Star. "Alam ko ang iniisip niyo at wala kayong mapapala sa akin." Irap kong muli at sumunod na sa kanila pababa.








"taray ng lola niyo oh, halatang gutom" bulong ni Shayah sa dalawa. "Yong pustahan natin ha don't forget." bulong niya pa kay Miya at tumawa sila..







"Nagsama-sama nanaman ang tatlong demonyo" sabi ko at nilingon nila ako.
"Kiligin ka nga minsan bwisit ka!" Sabi ni Shayah, tumigil pa kami sa baba ng hagdan at nagharap harap.
"crush kaya ni Miya iyon" si Star at tumatawang nakatingin kay Miya.







"too beautiful, to notice ordinary faces" sabi ko at nagmamadaling pumunta ng pool area nang ambang sasabunutan nila akong tatlo.






Naririnig ko pa ang malakas na tawanan ng dalawa at ang tawag sakin ni Miya.





Naupo ako sa may bakanteng table at sumunod naman ang tatlo sa akin. Hindi ko na napansin ang mga bisita ni Kyle dahil totoong nagugutom na ako.









Nagbabalak silang maki join maligo sa mga kaibigan ni Kyle, wala akong balak dahil wala naman akong baong pamalit at ayoko naman talaga.











"Maligo na kayo at kakaen lang ako." Sabi ko pa at hinubad lang nila ang damit at isa isang nagpuntahan sa pool. Talagang pinaghandaan nila ito at naka terno silang tatlo ng suot na kulay itim na bikini.








"Saan sayaw niyo?" Sigaw ko pa,  lumingon sila sa akin at nagmiddle finger. Humagalpak ako sa tawa dahil hindi talaga ako maka move-on.








Ang mga kasama ni Kyle ay tumatawang nakatingin sa amin. Sobrang lakas talaga nilang mang-trip. Kapag naisipan ay wala talagang makakapigil.







"Don't worry at meron ka din Ash" sigaw pa ni Star na dumiretso sa pool. Sumimangot ako sa sinabi niya.








Pumunta na ako sa long table kung san naroon nakahain ang mga pagkaen. Marami iyon.









Nagulat ako nang nasa tabi ko na si Kyle at kumukuha din ng pagkaen.








"So, kamusta? bat mo natanong address ni Joaquin?" bungad na tanong niya sa akin kahit nakatutok ang mga mata niya sa mga pagkaen.






"Bakit may ulam padin at kaning naka hain? Alas kwatro na ng hapon" sabi ko na hindi sinagot ang tanong niya.









"Alam ko kasing di ka pa kumakaen, kaya pinainit kong muli yan" sagot niya at ngumiti sakin. Kumuha ako ng kanin at ulam. Inilapag ko iyon sa table at ganun din ang ginawa ni Kyle.









"Anong trip mo ngayon?" tanong ko nang umupo sya sa table kasama ako, nakita kong umaahon na si Joaquin sa pool at ang tatlo kong kaibigan ay mukhang nagbabantay sa amin. Hindi ko na maintindihan ang isinagot ni Kyle dahil muli akong kumuha ng iilan pang dessert at prutas.










Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon