Jeff: what's the true story behind the leaked picture mo Miss Ash?
Nailang ako sa narinig kong tanong na yon. Hindi rin nakalampas sa mata ko kung paano nawala ang ngiti ni Joaquin.
"That's too much...." sabi niya pero pinigilan ko na sya
" it's okay. " I assured him.
"Sa totoo lang. Lipas na yong issue. Kahit ano mang sabihin ko ngayon. It's too late, hindi na natin mababawi ang panahon. Sapat na sa akin yong mga taong natira at naniniwala sa akin.. kaya naman wala akong pakialam kung ano ang iisipin nyo dahil alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang masama." I said looking at the camera.
"Yeah. That's why they call her cold blooded dahil sa ugali nyang yan." Joaquin added.
Jeff: last na Miss Ash, any message for our birthday celebrant?
Bigla akong ngumiti sa sinabi ni Jeff at napatingin sa gawi ni Joaquin, ang awkward at medyo nilalamig din ako dahil sa titig nya sa akin.
"Really love that smile." Hirit nya pa.
"Happy birthday Joaqui, thank you for inviting me here." Matamis akong ngumiti sa kanya.
"Alam mo kung gaano ako kasungit at hanga ako sayo dahil you always put an effort para mapangiti ako. Alam mo kung gaano ka ka espesyal sakin to the point na hanggang kaibigan lang kita dahil takot ako na mawala at magbago ka." Napakamot sya ng ulo.
"Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa pinagsasabi mo o iiyak dahil hanggang friends lang tayo." Reklamo nya at hinampas ko ang braso nya.
"Tumigil ka nga ang arte mo" sabi ko at narinig ko pa ang sigaw ni jeff na " cute nyo, sure bang magkaibigan lang kayo?" Tinitigan ko sya ng matalim at agad naman ibinalik ni joaquin ang atensyon ko sa kanya.
Sinubuan nya ako ng crispy pata at talagang di na mapigilan si jeff.
"Hanggang dito na muna ang video ko for today at maraming salamat po sa pagbati nyo. Syempre salamat sa maganda kong bisita. I'm really happy today." Dinig ko sya.. umalis na kasi ako doon at pumuntang kitchen para kunin ang cake na binili ko para sa kanya.
"Happy birthday ulit Joaqui," sabi ko sabay abot sa cake na dala ko. Ngumiti pa muna sya at iniharap iyon sa camera bago magpaalam.
Nagligpit na ng gamit si Jeff at ang isa pang kasama namin.
"Uy. Kaen muna tayo dito di ako nakakaen ng masyado dahil sa camera." Aya ko sa kanila. Saglit lang daw at aayusin lang nila iyon.
Kumakaen na ng cake si Joaquin.
"It's good. Try this." Sabi nya sabay subo sa akin ang kapiraso. Aarte pa ba ako?
"Okay ka lang? Sorry for the unexpected questions." Sabi nya sa akin
"Okay lang ako. Ano ka ba? San mo inorder ang mga pagkaen? Ang sarap. Pati lechon napaka crispy." Pag iiba ko ng usapan.
"Ano skin care mo Ash? Ang kinis kinis mo naman." Si jeff ang nagtanong nakisalo na sya sa amin ngayon at may dala na ding beer.
Tinitigan ko si Joaquin "isa lang." Sabi nya at kinuha ko na ang inaabot sa akin ni Jeff.
"Ano ba naman yan. Pati ba naman sa beer may code code pa kayong nalalaman." Reklamo nya.

BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤