"Ano ba ang nginingiti ngiti mo dyan? Kanina ka pa." Naiiritang tanong ko kay Kyle. Nasa tapat na kami ng bahay nila pero hindi pa nakakababa ng sasakyan. Itinapat nya ang mukha nya sa tenga ko.
"I miss your sweet moan." Bulong nya sabay mabilis na lumabas at umikot sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto.
"Anong sabi mo?" Gigil ko syang kinurot sa tagiliran ng makalabas ako.
"You're too hot babe. Let's go inside naghihintay na family ko." Sabi nya at bigla naman akong nagulat dahil ang mga kaibigan ko ang sadya ko dito.
Sinalubong kaagad ako ng tingin ng dalawa kong kaibigan. Umahon sila at lumapit na sa amin.
"Nangangamoy balikan." Shayah commented at nagbeso pa sa akin.
"Grabe namang papunta yan inabot ng 3 hours. Saang hotel ba kayo galing?" Si Star naman at sinimangutan lang sya ni Kyle.
"Sa Condo ko para tipid." Sabi ko at bumenta naman sa dalawa kong kaibigan kaya tawa sila ng tawa. Ramdam ko naman ang higpit ng hawak sakin ni Kyle.
"Nasan sila Mom?" Tanong ni Kyle sa kapatid.
"Nasa loob at naghahanda na ng hapunan kaya nga umahon na kami at maya maya kakaen na. Kanina pa kayo hinihintay non." Casual naman nitong sabi.
"Tara na Ash sa loob magbibihis na muna kami ni Shayah." Aya sa akin ni Star kaya tumango naman ako at lalakad na sana ng pigilan akong sumabay sa dalawa kong kaibigan. Agad namang napansin yon ni Star kaya asar syang ngumiti kay Kyle.
"Alam kong kakabati nyo lang kuya pero wag mo namang bakuran si Ash. Ako lang to." Sabi nya pa bago magpatuloy sa paglalakad.
"Napaka possesive kasi ng boyfriend ko" bulong ko kay Kyle at iniwan na sya doon.
"Hi iha. Kamusta?" Nagulat ako ng biglang sumalubong ang mommy ni Kyle sa akin.
"Magandang gabi po tito, tita." Bati ko at agad naman humalik sa pisngi ng mommy nya si Kyle ng makalapit sa amin.
"Hi mom, medyo natagalan ang pagsuyo ko kaya ginabi kami." Casual nyang sabi at parang gusto ko nalang mag play dead. Hiyang hiya din ako dahil wala manlang akong dala kahit na ano para sa kanila.
"O sya at nakahanda na ang pagkaen. Tatawagin ko lang ang kapatid mo." Paalam ng mommy ni Kyle.
"You should take care of Ashanna son, I really wanted her for you." Hindi ko aakaling sasabihin iyon ng daddy nya, tumawa lang ito at iniwan na kami doon.
Nakatitig lang sya sa akin at kitang kita ko ang saya sa mga mata nya. He is now holding my hands and give me a kiss on my forehead. "Let's go." Hinila nya ako papuntang dining area nila. Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko ng maamoy ang bistek na kakahain lang ng kasambahay.
Kabisado ko naman ang bahay nila kaya mabilis akong tumakbo sa malapit na rest room nila, hindi alintana ang iisipin ni Kyle.
Mabilis kong inayos ang sarili matapos maduwal at nagulat pa ako ng buksan ni Kyle ang pinto ng restroom. Puno ng pag-alala ang mukha nya.
"Are you okay? Anong nangyare?" Tanong nya na hinimas pa ang mukha ko. Ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa mukha ko.

BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤