"Hi!" Bumeso pa ako kay Star ng makarating sa kanila. Kakalabas ko lang ng sasakyan ko.
"Marami bang tao sa loob? Nakakahiya." Sabi ko ngunit tinawanan nya lang ako at kinuha ang wine at cake na dala ko.
"Actually kakarating lang namin kanina ni kuya sa bahay nong tumawag ka. Nauna pa nga ang mga kaibigan nyan dito e." Sabi nya habang papasok na kami sa kanila.
"Don't get me wrong Ash. Hindi ko sila ininvite. Si kuya yata ang nag aya sa kanila kaya wala na akong nagawa. Pwede pa rin namang magusap ng tayong tatlo lang." She added at ngumiti lang ako.
Bumungad sa akin ang tawanan ng mga kasama ni Kyle. Sya kaagad ang nakita ko at nagkatitigan lang kami. He's wearing a dark swim trunk and a white shirt. Basa ang buhok nya at ngayon ay namumula na ang mukha. May hawak din syang bote ng alak at hanggang ngayon hindi parin nya inaalis ang masamang tingin sa akin. Napansin iyon ni Star.
"Magkaaway ba kayo ni kuya?" Tanong nya ngunit umiling ako. I wonder kung alam nya na kaya na nagkabalikan kami.
Sinalubong ako ng yakap ni Shayah at kumaway naman ang iilan sa mga kasama ni Kyle.
"The queen is here." Sigaw ni Carl at nagtawanan sila. Insulto yon para sa akin.
"Hindi mo naman sinabing si Joaquin pala talaga ang boyfriend mo Ash. You don't need to deny it. Ikaw nanaman ang mainit ngayon sa internet." Si Greg ang nagsabi non at binigyan nya ako ng upuan ngunit hindi ako naupo doon.
"No he's not my boyfriend" tugon ko at sumeryoso naman sila.
"Ha? E sino?" Tanong ulit ni Greg at magsasalita na sana ako ng biglang padabog na tumayo si Kyle at pumunta sa loob ng bahay nila.
"Anong nangyare don?" Si Carl ngunit nawala din ang pangungulit sa akin ng ayain ako ni Star papasok sa loob.
"Gusto mo bang magbihis na Ash? Mag swimming na tayo after ko dito." Aya nya habang chinicheck ang niluluto.
"Okay. Magbibihis lang ako. Can I use your room?"
"Ofcourse. Pasok ka lang don." Sabi niya at umakyat na ako sa taas. Hindi ako pumasok sa kwarto ni Star. Dumiretso ako sa kwarto ni Kyle at ng pihitin ko ang pinto ay bumukas yon.
Nagulat pa ako ng makita syang nakatayo na sa harap ko. Masama padin ang titig sa akin.
"Babe. Let's talk." Sabi ko ngunit hindi parin nagbabago ang expression ng mukha nya.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"
"Pwede bang hayaan mo muna akong mag explaine? Nakakainis naman e, dinalaw lang ako ni Joaquin."
"Ikaw pa talaga ang naiinis? Get out. Ayaw muna kitang kausapin." Direktang sabi nya at nasaktan ako doon. Pigil ang luhang tumingin parin sa kanya.
"Okay. I won't bother you. Just keep away from Lorraine. I hate it." Sabi ko at pumihit na papalabas ng kwarto nya.
Mabilis akong nagbihis sa kwarto ni Star. I wear floral print bathing suit, it's a retro style na bumagay naman sa akin.
"Wow. Ang hot ng kaibigan ko" Si Star. Lumapit kaagad sya sa kin at nag selfie kaming dalawa.
"Hintayin mo na ako. Magpapalit lang din ako. Si Shayah nakapag palit na at di di maiwan ang pinsan mo." Si Star habang nasa dressing room na sya.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
LosoweWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤