"Wala akong kaalam alam." Sambit ko ng muling makaharap ang mga magulang ni Kyle at ang parents ko. Kanina pa nila ako binabati at hanggang ngayon ay hindi padin natatapos ang kwentuhan namin..
alas dyes na ng gabi at bumukod na ng table ang mga kaibigan ni Kyle kasama na rin sila Gian at Joaquin kasama ang girlfriend nito bukod kila Mael, Carl at maingay na Greg. Pinaayos naman ni Star ang kabilang table para sa aming apat.
"Excuse po muna. Okay lang po kayo dito? Doon po muna ako sa mga kaibigan ko." Paalam ko sa parents ko at parents ni Kyle. Nauna na kasi sa room sila ate kanina pa.
"Go ahead iha.. enjoy and congratulations again".
Dumiretso ako kung nasaan sila Kyle at ang barkada.
"Baby, magpeprepare lang kami ng iinumin namin nila Star." Mahinang sabi ko sapat na para sya lang ang makarinig. Mabilis nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Napahinto at nag-isip pa sya."Iinom ka?" Naguguluhan nyang tanong..
"Yes. Promise hindi ako magpapakalasing." Sagot ko pero ang ekspresyon ng mukha nya ay puno parin ng pagdududa.
"What?" Tanong ko ng di na sya sumagot o tumango manlang.
"Look baby, ayan lang ang table namin." Sabay turo ko sa hindi kalayuang table. " pupunta muna ako sa room nila." Paalam ko at hinalikan sya saka mabilis na umalis doon.
"Ma'am. Excuse lang po." Tawag ng usher sakin.
"Iyong pinahanda nyo po sa akin na drinks okay na po. Ilalagay nalang po namin sa table nyo."
"Do it aftet 15 minutes. Maguusap pa kami ng mga kaibigan ko .. make it sure na napalitan ng tubig ang alak ko ha at syempre hindi dapat mahalata."
"Yes ma'am. Napalitan na po. Ying cake din po okay na. " Sagot ng usher kaya naman tumango na ako sa kanya at akmang maglalakad na sanang muli ng may maalala.
"Wait., can you give me a glass of tequilla? Doon na lang sa room 307." Sabi ko at gulat pa itong tumango sa akin.
" thank you." Paalam ko at dumiretso na ulit maglakad.
"Grabe. Ang tagal. Kanina pa kami naghihintay. Isa pa pwede naman natin itong pagusapan na lang sa table natin doon sa labas, bakit kailangan pang magkulong dito." Reklamo agad ni Star ng makarating ako sa room nila.
"Star. Birthday na ng kuya mo maya-maya lang. And I need your support gals."
"Ano naman ang maitutulong namin nasisiguro akong pinakamasayang lalaki na yon ngayong gabi." Masungit na tugon ni Star.
"Ano bang gusto mong gawin natin Ash?" Tanong ni Miya na may hawak ng baso ng wine.
"I need to tell you something first." I saw how Star rolled her eyes. Hindi makapaghintay ang gaga.
"Now what.?" Masungit nyang sabi habang tahimik at wala namang pakialam si Shayah.
"I'm pregnant." Hindi sila nagsalita. Hindi ko alam kung narinig ba nila.
"I'm pregnant." Ulit ko at doon na natauhan si Miya at Star habang si shayah ay ngumiti lang sa akin at lumapit para yakapin ako.
"So, kuya Ted told you everything ha.?" I whispered habang yakap nya padin ako.
" congrats Ashannah. I am really happy for you." Bigkas nya at hinalikan pa ako sa pisnge.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤