Kinapa ko ang phone ko para tingnan ang oras ng magising. Alas kwatro na ng madaling araw. Itinapat ko ang ilaw sa mukha ni Kyle na tulog na tulog pa.
Tinapik ko ng marahan ang mukha nya upang gisingin pero tulog na tulog sya. Niyakap nya lang ako ng mahigpit. Marahan akong kumawala sa yakap nya at nagbihis. Hinalikan ko pa sya bago marahang lumabas ng kwarto.
I can still hear the noise outside. Ang tibay nila sa puyatan. Kumatok ako sa kwarto ni Star at pumasok na. Walang tao roon kaya naman kinuha ko ang pouch ko at nag ayos. Kailangan ko ng umuwi dahil may flight pa ako mamaya papuntang NY.
Papalabas na ako ng kwarto ng biglang bumukas iyon at iniluwa noon si Lorraine. Buhay na buhay pa sya at hindi rin sya mukhang lasing.
"Saan ka galing? Wala din si Kyle. San kayo nagpunta?" Direktang tanong nya.
"Kagigising ko lang Lorraine, natulog kami ni Kyle. Bakit? Tinaasan ko sya ng kilay at nagpalinga linga sya sa likod ko.
"Nagiimagine ka ba? Hindi ko sya mahanap sa kwarto nya at wala sin sya dito. Assuming ka talaga." She said at tinaasan nya rin ako ng kilay.
"Sya nga pala. We're engaged." Masayang sabi nya at pinakita pa sa akin ang daliring may suot na singsing. Assuming talaga.
"Sabi ko naman sayo ako parin ang pipiliin nya dahil sa akin lang naman sya nabaliw." She added. Sinamaan ko lang sya ng tingin at pinipilit kong wag maapektuhan sa sinasabi nya.
"Alam mo ba? Nag meet na ang family namin kahapon ng umaga? Here oh. Ang cute namin diba?" Ipinakita nya sa akin ang phone nya na may picture nga ng family nila. Star was there with Kyle and her parents at may katabi din itong hindi pamilyar na lalaki siguro ay kapatid ni Lorraine?. Hindi ko alam.
"Tabi." Tanging nabanggit ko pero hindi sya gumalaw at nangiinis lang na nakangiti sa akin.
Itinulak ko sya papasok sa kwarto para makadaan ako palabas at napahiyaw pa sya sa ginawa kong iyon.
"Til now. Mukha ka paring aso Auntie Lorraine." I smirked at inis nya akong tinitigan.
"If you're looking for my boyfriend, just go with that direction." Turo ko sa kwartong pinanggalingan ko. " Mahimbing syang natutulog dahil napagod siguro sa akin." I smirked. "Hindi naka lock ang pinto kaya kahit di ko man sabihin alam kong papasukin mo parin yon dahil diba nga aso kang nauulol?"
"May tiwala ako kay Kyle dahil alam kong mahal na mahal nya ako. Kinakabahan lang ako kapag alam kong nariyan ka. Lahat kasi may eksena ka. Ayaw na nga sayo ng tao, pinagpipilitan mo parin ang sarili mo." I shouted at mabilis syang lumapit para sampalin ako. Kaya naman sinampal ko din sya ng kaliwa't kanan. Saka ako bumaba na ng hagdan.
Nakasalubong ko pa ang mga lasing na sina Greg, Carl at Mael. Hinarangan nila ako at binigyan ako ng shot na ininom ko naman.
Maraming sinasabi si Greg pero binalewala ko na iyon ngunit madaldal talaga sya.
"Ash. Alam mo ba ang sabi ni Lorraine namanhikan na sila Kyle sa kanila?" Makulit na sabi nya. Sinasaway na ng dalawa. Kaso ayaw talagang papigil ng isang to.
"Carl, can you video this person para naman pag gising nya bukas malaman nya pinagsasabi nya." Sabi ko kay Carl at agad naman akong sinunod at itinutok sa amin ang phone para i video nga ang pag uusap namin.

BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤