Masama ang pakiramdam ko pag gising kinabukasan. Alas sais ng magising ako. Chineck ang iilang chat sa akin ni Kyle at saka nakatulog muli.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Pamilyar na boses ang nagtanong at idinilat ang mata para tingnan kung tama nga ang narinig ko.
"Paano ka napunta dito Joaquin?" Gulat na tanong ko sa nakatayong si Joaquin kasama si kuya Ted.
"Ano ba yan. Halatang na miss mo ako at parang ayaw mo akong makita." Nakasimangot na tugon nya at chineck ang leeg ko.
"Sino ba namang hindi magugulat e ang huling pagkikita natin sa New York pa tapos ididilat ko ang mata ko ikaw pa una kong makikita. Ang sama tuloy ng gising ko". Diretsong sabi ko at natawa si kuya Ted.
"He's visiting you. Kanina pa sya nandito kaso wala kang malay kanina kaya naman nagpatawag agad si tita ng doctor to check you." Si kuya Ted ang nagsalita.
"Kamusta na ang pakiramdam mo Ash? Dami ko pa namang pasalubong sa iyo..Gusto mo bang kumaen? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Joaquin.
"I'm fine.. Naulanan kasi ako kagabi. Sino kasama mo?"
"Maiwan ko muna kayo at may pupuntahan lang ako. Get well soon cous." Paalam ni kuya Ted.
"Thank you. Ingat ka." Sabi ko at kumindat pa sa kanya. Ofcourse alam ko namang kay Shayah lang sya pupunta.
"Okay ka na? Gusto mo bang kumaen?" Tanong ni Joaquin paglabas ni kuya. Ang awkward lang dahil bukod sa pamilya ko never pang may ibang taong pumasok sa kwarto ko.
"Gatas sana tapos may pasalubong ka ba bukod sa chocolate?" Tumango naman sya.
"Magtotoothbrush lang ako. Masakit pa ang ulo ko."paalam ko ng tumayo na sya para siguro ipagtimpla ako ng gatas.
Naghilamos ako at nagtoothbrush. Saka ko naalalang itext si kyle. Gulat pa ako ng agad na nariyan na si Joaquin at may dalang gatas, prutas, cake at iilang maliit na chocolate.
"Dami naman. Sure ka bang pwede sa akin yan?" Komento ko at bumalik na sa kama ko naupo sya sa gilid ng kama ko.
"Lakas mo kayang lumamon. Kunwari ka pa." Sagot nya at tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Maiba ako bakit umuwi ka?"
"To be honest. Mag popropose na kasi ako." Napalunok ako sa sinabi nyang iyon.
"May boyfriend na ako." Direktang sagot ko at natawa sya .
"Ang kapal mo. Hindi naman sayo" sagot nya at binato ko sya ng unan.
"Ang feeling mo Ash." Dagdag nya at kumaen na lang ako.
"Who's the lucky girl?" Seryosong tanong ko at sumeryoso na sya.
"Syempre hindi mo kilala. Pero ipapakilala ko din."
"E bat dito ka dumiretso?"
"Tinataboy mo talaga ako no? Malamang kaibigan kita. Ang sama parin talaga ng ugali mo."
"Sya nga pala. Heto may binili ako para sa yo.. selfie naman tayo for the last time." Dagdag nya.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
LosoweWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤