30

92 3 1
                                    

Mag iisa't kalahating taon na ako dito sa New York pero hindi parin ako sanay. Hindi ko alam kung ako ba ang problema o ang mga tao dito. Wala akong ibang kaibigan dito kundi ang pinsan ko at ang mga kaibigan nya. Didn't know if people here are rude or mean. I don't know. Unlike Philippines kahit san ka lumingon may nakangiti sa yo.





Tulad nina mom and Dad kung saan saang Bansa ako napupunta. Ginawa nila akong representative sa kung ano anong project at makipag deal sa iba't ibang investors. Hindi ko alam pero natutuwa ako dahil mukhang dito lang ako magaling.







Kagagaling ko lang sa Hawaii 3 days ago kaya naman nagpapahinga na muna ako. Minsan kapag nagugustuhan ko ang bansa nagistay pa ako ng ilang araw doon para gumala mag-isa.





Ate is busy now with her own family. Yes, nagpakasal na sya 2 months ago. Umuwi nga ako ng Pinas para sa kasal nya pero 2 days lang ako don at bumalik na. Nakausap ko din non si Shaya dahil sa mga kaibigan ko sya lang ang pumunta.









Madalas din kaming magkita ni Gian dito dahil nandito ang pamilya nya. Kung saan saan din kami nakakarating. Minsan nga kapag may business meeting ako sa Japan sinasama ko sya.







"Kuya Ted, ang aga mo namang umuwi?" Nagtatakang tanong ko ng makita ang pinsan. Salubong ang kilay at tila may nakaaway. Nasa garden nila ako ngayon nakaupo lang. Dito na rin kasi ako nag stay sa bahay nila dahil mahirap din ang mag isa.








"There's a son of Dads Investor na makulit. He is asking for your number. I told him that your taken pero hindi ako tinigilan." Pagsusungit nya at ininom ang kalahati ng juice ko.







"Gym tayo?" Aya nya at bigla akong na excite. Wala din kasi akong ginagawa. More on IG lang ang chinicheck ko. My fb account is still active pero never ko pang inopen yon mula ng graduation day ko. Yes, nakaya ko yon.








"Sure, sama ako. Palit lang ako ng pang gym pero syempre papanoorin lang kita don." Sabi ko at sabay na kaming umakyat sa kanya kanyang kwarto.







Nagsuot lang ako ng sports bra at leggings with paired nike shoes. Syempre nag jacket ako. Dala ang duffel bag at lumabas na.








"Tanggalin mo na yang tali ng buhok mo." Si Kuya Ted ng mapansin ako.








"Center of attraction and I hate it." Iritadong nyan sabi at sinunod ko lang sya.







First time kong sumama sa kanya sa gym. Hindi talaga kasi ako nagwowork out since my body is okay. Kahit papano kasi ay nililibang ko din ang sarili ko sa paglaro ng volleyball sa playground malapit sa bahay nila kuya Ted.









It took half hour ng makarating kami sa sinasabi nya. Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa akin ang malalaking katawan ng lalaki. Don't get me wrong. Wala akong pakialam.








"Wanna try?" Tanong nya ng pumwesto na sya samantalang ako ay naupo lang sa gilid.









"Ash?" Dinig ko ang tawag ng isang pamilyar na boses. Tumingin pa ako kay Kuya para tingnan kung naring din niya na may tumawag sa pangalan ko.








"Ashanna." Sigaw ulit at lumingon na ako kung san galing ang boses.









"Sabi ko na nga ba at ikaw yan." Sabi nya at kagad akong niyakap. Si kuya ay dali daling tumayo at hiniwalay ang katawan ng lalaki sa katawan ko. Natatawa ako sa reaksyon nya.









Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon