Last day of Intrams pero hanggang ngayon ni hindi ako pinapansin ni Kyle.. Ganun sya ka galit nong hindi ko sya sinipot sa usapan namin.. well sya lang naman nag sabi nun wala din naman akong natatandaan na sisiputin ko sya.
Kahit hindi pa man nagsisimula ang warding ay alam kong overall champion ang school namin. Sa Basketball at volleyball pa lang kasi panalo na.
Awarding lang naman ngayon kaya nagbihis lang ako ng madalas kong suot (jeans, white tshirt and white sneakers)I don't do make ups kaya powder lang okay na.
Wala rin namang ganap dahil nga awarding lang so halos ang nasa school lang ay yong mga tatanggap ng awards at mga tatambay lang. In my case syempre wala ang mga kaibigan ko. Mga pagod daw at may hang over pa sa night out namin kagabi.
"Oh. Kumaen ka na?" Kasasagot ko lang sa tawag ni Gian nasa entrance na'ko ng school ngayon..
Nakita kong kinawayan ako ni Joaquin kaya tinanguan ko lang sya at dumiretso na sa team ko.
"Tapos na. Medyo maingay dito nasa school ako. Chat na lang." Sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Lumapit ako sa team namin na nakaupo lang sa bench katabi noon ay ang team ng basketball kung san di ko mahanap ang presensya ni Kyle.
"Nag-aaya sila para mamaya. Sama ka?" Si Lea sa tabi ko..
"Di ko sure. May hang over pa ako last night." Sagot ko at nag type na para ichat si Gian.
"Text nyo na lang ako." Pahabol ko at tinanguan nya lang din ako.
'Anong oras ba matatapos yan? Uwi ka na, wala ka namang award.' Chat sa akin ni Gian. Kanina pa nya ako inaayang lumabas. May ipapakilala lang daw sa akin.
'O may gusto ka lang makita kaya nandyan ka padin kahit wala kang award?' Chat nya ulit.
'San ba kasi tayo magkikita nang matapos ka na sa issue mo.?' Reply ko sa kanya.
Sa SM North na lang daw kami magkita ng 5pm at salamat naman tinigilan nya na ako.
Saktong pag angat ng mukha ko ay ang pagdaan naman ni Kyle at Lorraine sa harapan ko papuntang bench kung san naka upo ang ka team nya.
I didn't know what to do or how to react. Nakakapikon lang kasi parang wala syang girlfriend kung umasta. Ay oo nga pala hindi naman pala kami ayos.
Pero hindi ko naman gawain ang magkaaway kami ay kung sino sino na ang kasama kong lalaki. Pinapaselos nya ba ako o sadyang linta lang din ang isang to? Kailangan palagi syang may eksena?
Para akong tangang nakatitig sa stage kung saan tinatawag na ang mga nanalo at nagpapicture samantalang nagtatalo nanaman ang isip ko. I look perfectly fine pero ang totoo hindi.
Nang matapos ang basketball team namin na magpapicture at bago sabihin kung sino ang MVP na alam ko namang si Kyle iyon ay tinawag muna kami para magpapicture at tumanggap ng trophy.
"Ngiti naman dyan mars, nanalo tayo." Bulong sakin ng kasama ko kaya napilitan din akong ngumiti...
Nang makabalik ay tinawag na ang MVP ofcourse hindi na ako umaasa doon. Nang tinawag ang pangalan ni Kyle ay todo palakpak naman ang gaga, tumitig pa sakin si Kyle bago sya maglakad papuntang stage..
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
DiversosWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤