36

104 2 0
                                    

"I'm sorry. Kanina ka pa ba dito? Ang sarap ng tulog ko." Nagmadali talaga ako sa pagligo dahil kanina pa pala ako kinakatok ni manang dahil nandito na daw si Gian. Alas otso na ng umaga.





Nabigla pa ako sa pag yakap nya. Normal lang ba ito sa magkaibigan? Sabagay pareho naman kaming single.


"Sabi ko naman sayo hapon ka na pumunta dito dahil mapupuyat ako." Sabi ko sakanya na naupo nadin sa sala kung nasaan sya.




"Hindi ka parin nagbabago. Palagi mo nalang akong pinaghihintay ng matagal. Isa pa matagal din kitang di nakita." He said at sabay kaming tumawa. At gulat pa ng may bumaba sa hagdan namin.




Si Kyle, Greg at Mael iyon. Lumabas din si ate Shan mula sa kusina.





"Ops. Ang aga namang may bisita." Sabi ni Greg. Hiyang hiya naman ako sa kanila dahil dito pa talaga nakitulog. Seryoso gawain ba nila to? Hindi naman ganito si Kyle noon. Isa pa wala namang curfew.

"G, si Kyle, Greg, Mael" mga kaibigan ni kuya Ted. Pagpapakilala ko at sakto ding lumabas ng guest room si Kuya.



"Boyfriend mo Ash?" Si Greg ang nagtanong. Kagabi pa ang isang to. Makulit din.




"Sabi nila" sagot ko ulit

"Uy. Gian. Kamusta? Ang aga natin a.?" Bati ni Kuya Ted at nagtawanan pa.

"Ang saya naman ng bahay kapag pala nandito ang bunso. San ba ang lakad nyo Gian? Kumaen na muna kayo." Si ate naman ang nagsalita. Hindi parin nawawala ang mapaklang tingin sa akin ni Kyle.


"Bibili kami ng phone nya at naiwan daw sa NY, imposible diba Shan nakakahiya naman kung kay Ted pa na phone ang gamitin nya? Si Gian na iiling iling pa.. alam kong nang aasar lang sya.



"Ewan ko ba dyan sa kapatid ko. Sa lahat ng maiiwan, ang phone pa. Kaen muna kayo. Tara na Ted ayain mo na mga kaibigan mo." Si ate at biglang naalala ang pamangkin. Pumunta na ang apat sa dining area.




"Nag almusal ka na? Mag almusal muna tayo, maaga pa naman." Alok ko at ngumiti sya sa akin.





"Kaya mo?" Pang aasar nya.

"Anong kaya ko? Oo naman. Gusto mo ng kape?" Tanong ko at tumango lang sya. Sumunod na kami sa kanila.



Di ko talaga alam kung bakit pinagsisiksikan nila ang sarili sa bahay namin. Hindi na sila teenager! Siguro itong si Mael lang ang napilitan mag stay dito dahil halata naman sa mukha.







"Gising na ba pamangkin ko ate?" Tanong ko kay ate. Busy pa din sya maghanda ng pagkaen.



"Oh kape mo." Sabi ko kay Gian at naupo sa tabi nya.

"Hindi pa, mamaya pa gising non." Si ate at kadarating lang ni Kuya Nikko nakabihis na sya. Mukhang papasok sa trabaho..





"Sweet mo naman. Kami wala bang kape?" Awkward akong napatingin kay Mael. Di ko talaga alam kung nagbibiro sya o seryoso.

"Manang paki timplahan nga po sila ng kape." Sabi ko at naubo si Greg.







Sa wakas naupo nadin si ate. Hindi ako kumaen ng rice ganun din si kuya Ted dahil hindi uso sa amin to sa NY. Nag kape lang ako.











"Ayaw mo ng rice kuya? Alam kong di ka sanay pero try lang" sabi ko sa kuya ted na katabi.


"Ba't ikaw?" Balik na tanong nya sa akin. At nginitian lang sya.

Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon