34

93 1 0
                                    

"Hindi mo naman kaagad sinabing ex mo pala yon. Di sana di ko na pinatulog sa bahay." Si Kuya Ted. Kanina pa sya makulit sa akin. Napakaraming tanong pwede namang matulog na lang sya.








Nasa airplane kasi kami ngayon pauwing Pilipinas at siguro ay nasa isang oras na lang bago lumapag ang eroplanong sinasakyan namin.








"No. It's okay kuya. He's good so no need to hate him." Maiksing sabi ko dahil busy ako kakabasa sa isang magazine kung saan naroon din ako.







"Do you still love him o nag mature na ang pinsan ko?" Tanong nya sabay gulo ng buhok ko.









"Stop it kuya. Napakagulo mo." Reklamo ko at hindi parin sya natigil.








"Paano yong Joaquin? The guy is inlove with you." He added at isinara na ang magazine na binabasa.








"Magkaibigan lang kami. Alam nya yon. Isa pa. Pakialaman mo ang lovelife mo. May sarili kang problema diba?" Sabi ko at nginitian nya lang ako.











"I missed Philippines. I tour mo ako ha. Maligo tayo sa beach." Excited na sabi nya at tinanguan na lang iyon.









"No need to text your ate. Nagpasundo na ako kay Mael." Sabi nya ng nasa NAIA na kami. Sinimangutan ko lang sya.









"Napaka sungit ng kaibigan mo na yon. Paano mo ba naging kaibigan yon? Akala mong pasan ang mundo." Sabi ko at tumatawa lang sya sa reaksyon ko.











"Pag iyon nanligaw basted agad." Dagdag ko pa at nahinto lang ako ng matanaw na nga sya. He's wearing a jeans and navy blue shirt. Gwapo naman. Okay lang. Di ko lang siguro type.









"Hi Ash." Bati nya.

"Oh? Mabait ka pala kapag nasa Pilipinas." Sabi ko at sumakay na sa magarang sasakyan nya.










"Wag mo ng pansinin pagod lang yan." Sabi ni kuya habang nasa daan na kami.










"Grabe namiss ko ang Pilipinas. Matagal tagal din nong huling uwi ko dito. Mag outing tayo Mael." Kuya said.











"Sure. Sabihan ko sila Kyle. Marami ding pinsan yon. Sigurado akong matutuwa yon." Sagot naman ni Mael sabay tingin sa front mirror sapat ng makita ako sa likuran.











"Ano bang issue mo Mael? Hindi ko naman sinaktan ang kaibigan mo ang totoo nga nyan ako pa itong pinagpalit."prankang sabi ko at naubo si Kuya Ted sa sinabi ko.










"I love how smart you are Ash. Wala naman akong sinasabi. Walang issue don." Sagot nya sa akin na tumatawa tawa pa.











"You know if you're a gay, tell me. Sayo na si Kyle para di na palaging mainit ang ulo mo sa akin." Sabi ko ulit at tawa na ng tawa ang dalawa. Hindi ko na sila pinansin. Nakangiting nakatitig lang sa akin si Mael gamit ang front mirror.












"Saan nyo gustong kumaen tol?" Tanong nya kay kuya Ted. Bastos talaga.









"Ikaw Ash, saan mo gustong kumaen?" Lingon sa akin ni kuya at sinimangutan ko lang sya.










"Sa filipino restaurant na lang tol. Wala na sya sa mood, gutom na yan kaya wag mo ng inisin." Bulong ni kuya na dinig na dinig ko naman.











Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon