37

105 3 4
                                    

Tatlong katok ang narinig ko bago may pumasok sa kwarto. Napaka busy ko para sa bagong phone. Nilagyan ko kasi ng mga applications.






"I'm sorry. Ni hindi ko manlang inisip ang nararamdaman mo." It was kuya Ted. Naupo sya sa kama ko.






"It's okay." Maiksi kong sagot

"Nasa NY pa lang tayo kinukulit na nila ako sayo. Kyle wants you back. At mukha naman syang mabuting tao." He added.

"Still. He's the one who hurt me." Sagot kong nakatingin lang sa phone.

"Hindi na ako mangingialam. Susuporta na lang ako sa disisyon mo. Mauna na ako." He said at saka ko palang sya tinitigan. Alam kong ang gaspang ng ugali ko kaya naman pinigilan ko sya.



"Sorry kuya. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina. Nakakasakal kasi. Halos pagbawalan nya ako e hindi pa naman kami okay." Parang batang sumbong ko sa kanya at ngumiti na sya.





Ginulo nya ang buhok ko.

"Tara street foods tayo" alok ko sa kanya at lumiwanag naman ang mukha nya.

Nagsuot lang ako ng jacket dahil gabi na. Dadalhin ko sya sa Food park dito sa QC.




Kumatok na muna ako sa kwarto nila ate dahil titingnan ko ang pamangkin ko. Binuksan iyon ni kuya Nikko at lumabas din sya.






"Tulog na ba ate.? " tanong ko at lumapit dahil karga nya ang pamangkin ko.

"Tulog na." Sabi nya kaya naman nag alinlangan akong lumapit.

"Lalabas lang kami ni kuya Ted." Paalam ko at lalabas na sana sya ng tawagin nya ako.

"I'm sorry." She said at ngumiti lang ako sa kanya. Lumapit ako at yumakap mula sa likod nya, hindi na alintana kung magigising ang pamangkin.




"Sorry for being rude Ate. May ipapabili ka ba?" Sabi ko at umiling lang sya. Lumabas na ako ng kwarto, inabutan ko si kuya ted na nakatayo na sa labas. Naka short lang sya at tshirt. Nakaitim na sumbrero at naka jacket din. Napaka gwapo ng lahi namin.







Papunta na kami sa Food Park na madalas din naming puntahan nila Star noon. Chinat ko kanina si Shayah na magkita kami dito at papunta na daw sya.






Tulad ng dati ay pumwesto kami sa taas. Open iyon kaya ramdam mo talaga ang simoy ng hangin. Meron ding banda at syempre pwede kang mag request kung gusto mong kumanta. I guess Shayah will sing later dahil sa aming apat sya lang itong magaling kumanta. Di ko lang sure kung mahiyain pa ba sya.







"Wow. Ang ganda dito Ash. Pero masaya sana kung kasama natin ang nga tropa." Komento ni kuya at sinimangutan ko sya.

"So are you bored?" Mapakla kong tanong at tumawa nanaman sya.

" no ofcourse. Ang sinasabi ko lang naman..." hindi nya natapos yon dahil nagsalita na ako kaagad.

"Don' t worry. May makakasama tayo ewan ko na lang kung gustuhin mo pang makasama tropa mo." Sabi ko at dumikit sa kanya. Nag selfie kami dahil ipopost ko yon sa lahat ng social media account ko.





I posted it on my story in my fb and Ig account.

"Ashanna" kay Shayah ang boses na yon, masaya syang kumakaway sa akin. Naka high waist white short skirts sya at fitted tshirt for the top. Naka sling bag lang sya at naka flats. Nag matured din sya kagaya ko. Lalong gumanda pati ang hubog ng katawan.







Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon