"Alam mo ang labo ng boyfriend mo, dapat pakinggan ka muna nya hindi yong naniniwala sya sa demonyo." Mangha akong tumitig kay Gian ng bitiwan nya ang mga salita na yon. I even crossed my arms.
"Bakit si Miya pinakinggan ka?" Taas ang kilay kong tanong sa kanya. Hindi sya nakasagot.
Nanatili lang kaming tahimik dalawa at maya maya pa ay nagpasya na kaming umalis. Naghiwalay na kaming dalawa. Now, I'm going to Miya's house, kakausapin ko sya.
Agad naman akong pinagbuksan ng gate ng makita ako ng guard nila. Mabilis akong umakyat sa taas kung saan ang kwarto ni Miya. Pinagbuksan nya naman ako ng pinto ng kumatok ako. She didn't expect my presence thou.
"I came here to explain." Sabi ko bago pa man nya ako pagsarhan. Maga din ang mga mata nya at parang walang tulog ang isang to.
"Walang nangyare sa amin. Hindi ko din alam kung paano ako napunta sa kwarto na iyon samantalang kayo ang kasama ko." Mabilis kong sabi at tumaas lang ang kilay nya.
"Bakit di mo na lang kasi aminin na may gusto ka talaga sa bestfriend mo kuno. Ayaw mong masapawan kaya naman habang wala si Kyle gusto mo din ng atensyon ng boyfriend ko." Paratang nya sa akin.
"You expect me to believe that? Ha Ashanna?" Sigaw nya sa akin ngunit hinayaan ko lang sya.
"Nagpa drug test na kami para naman mabawasan ang paratang mo sa akin, sa amin. Wag mo naman gawan ng issue yong samin ni Gian dahil nauna kaming magkakilala bago kayo." Mahinahon kong sabi at mukhang lalo syang nagalit sa sinabi ko.
"Ahas ka." Gigil nyang sabi habang umiiyak.
"If that's what you think and want to believe sige tatanggapin ko. I am really sorry." Mahinahon ko muling sabi at naglakad na palabas ng mansyon nila. Nang makalabas sa gate nila ay ipinark ko muna sa tabi ng daan ang kotse ko para naman ayusin ang sarili.
Gusto ko din kausapin si Star pero natatakot ako baka makita ko si Kyle. In the end I find myself driving to Star's house.
Tulad kila Miya ay pinagbuksan din ako ng gate ng guard. Nakita ko kagad si Star sa garden nila habang hawak hawak ang isang baso na may lamang wine.
"Ginagawa mo dito?" Mabilis nyang tanong ng makita ako.
"Hindi ako tumatanggap ng ahas na bisita." Gigil nyang sabi.
"Sa tingin mo ba ay matatanggap kita pagkatapos ng nalaman ko? Tapos nakita pa kitang katabi ang akala ko talagang totoong boyfriend mo? Ang labo mo." Sigaw nya sa akin.
"Mahal ko ang kuya mo." Mahinahon kong sabi.
"Kahit alam mong sila ni Ate Lorraine.?" He answered back.
"No.. alam mo namang hindi sila diba?" Sagot ko ngunit mabilis nyang isinaboy sa akin ang wine na hawak nya.
"Pero alam mong gustong gusto sya ni ate Lorraine." Galit na sigaw nya. Ramdam ko ang lamig ng umagos ang wine mula sa mukha ko pababa sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
AcakWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤