"Kumaen ka na?" Tanong ko kay Kyle nasa garden kami ngayon. It's 9 pm at matutulog na daw ang parents at kapatid ko. Lumabas pa si kuya Ted siguro ay makikipagkita kay Shayah.
"Yes. Ikaw ang di pa kumakaen." Sagot nya.
"Bakit ka umuwi kanina? My secretary is halucinating pinagbantaan mo ba?" He added at sinimangutan ko lang sya.
"Don't talk to me. Hindi pa tayo ayos. Lumabas lang ako dahil kinausap ako ni daddy." Pagsusungit ko ngunit lalo lang syang natawa sa sinabi ko.
"Okay. So let's stay like this hanggang sa okay ka na." Malambing nyang sabi at hinawi pa ang takas na buhok sa mukha.
"Napakaganda ng girlfriend ko." He added at tinampal ko lang ang kamay nya.
"Wala dito ang girlfriend mo." Pagsusungit kong muli at malakas lang syang tumawa.
"Napakaganda parin kahit napaka sungit." Sabi nya kaya naman tumayo na ako.
"Tingnan lang natin kung di ka mag selos dyan kapag nakita mo akong may kasamang ibang lalaki." Sabi ko ngunit hinila nya lang ako ng marahan at napaupo ako sa hita nya.
"I'm sorry. I miss you so much." Bulong nya habang yakap na ako.
"Baka makita tayo ng parents ko nakakahiya." Bulong ko ngunit hinigpitan nya lang ang yakap sa akin kaya naman hinayaan ko na sya.
"May iba ka bang lalaki bukod sa akin?" Malambing nyang tanong ngunit nag-init nanaman ang ulo ko sa tanong nya.
"Hindi naman kasi mahal ang tawag mo sa akin." He added at nagpumiglas ako ngunit mas malakas sya kesa sa akin.
"Ang babaw mo. Of course ikaw yon, ikaw ang kausap ko." Sagot ko. "That's how I felt reason why I call you mahal. Kung tawagin kitang Kyle doon ka kabahan." Pagsusungit ko ngunit tumatawa lang sya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
"How about Lorraine?" Tanong ko. Nasa balikat ko ang baba nya habang yakap parin ako.
"What about her?"
"Sya ang palagi mong kasama sabi ng secretary mo kaya akala nya girlfriend mo yon." Kalmadong sabi ko ngunit parang hindi nya ako naririnig.
"Walang alam ang secretary ko tungkol sa personal life ko. Nagtatrabaho lang naman sya kaya the next you encounter her wag mo ng sungitan yong tao." At pinangaralan pa talaga ako. May point din naman sya.
"Okay. I'll try." Wala sa loob na sagot ko.
"Babe. Pwede bang wag muna nating pag usapan ang ibang tao? Gusto ko lang mag relax sa piling mo." Natahimik ako sa sinabi nyang iyon. Hinayaan ko na lang sya at di na muna nagsalita pa.
"And that's why I'm so inlove with this woman. Malakas ang toyo pero sinusunod ako." He giggled kaya naman hinampas ko sya.
"Pumasok na tayo. Mahamog baka magkasipon ka." He said ngunit pinigilan ko sya.
"Namiss mo din ako that's why you wanted to stay like this?" Tanong nya pero hindi na ako sumagot. Niyakap ko lang ang kamay nyang nakapulupot sa tyan ko. Now it feels home.
"I have a question babe. Just answer me honestly." Malambing nyang sabi at hinintay ko na syang magtanong.
"Bakit bigla ka na lang nakipagbalikan sa akin? May plano ka bang gantihan ako?" Seryosong tanong nya ngunit pigil na pigil akong tumawa.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
CasualeWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤