Nagising ako ng madaling araw. It is because of ate's shout and knocked on my door.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Mukha akong lalagnatin. Padabog akong bumangon at binuksan ang pinto. Nakaligo at nakabihis na sya.
"Bakit ba ate?"
"Maligo ka na. Kailangan nating maging maaga." Utos nya.
"Hindi ako makakasama, masama ang pakiramdam ko." Sabi ko at isasara na sana ang pintuan nang pigilan nya iyon.
"Bilisan mo na. Minsan lang umuwi sina mom and dad, magiinarte ka pa ng ganyan." She shouted.
"Bakit kasi doon pa sila dumiretso e ang lapit lang ng QC oh." Reklamo ko at tinulak nya na ako papuntang shower room.
"Fine.. just wait." Sabi ko at lumabas na sya.
Mabilis akong naligo kahit labag sa loob ko. Para kasi akong magkakasakit. Nag ayos lang ako at nagdala ng ilang gamit, ni hindi ko alam kung kelan kami uuwi kaya nag baon ako ng extrang damit.
Nang matapos sa pag aayos ay bumaba na ako at dumiretso sa sasakyan kung saan nakasimangot na naghihintay si ate.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Madilim pa kaya nakatulog ako. Nagising lang ako sa tapik sakin ni ate at di ko alam na nakarating na pala kami.
We are here in a country Club in Batangas. This isn't our first time here. Ni hindi ko nga alam kung bakit mas madalas kaming mag stay dito samantalang marami pa namang ibang mas magandang resort dito.
Hindi naman pangit ang lugar siguro hindi lang ako nag eenjoy dahil hindi ko kasama mga kaibigan ko at talagang masama ang pakiramdam ko ngayon.
"Anak" si mommy sabay yakap sa akin nang makalapit. Naka dress sya at nakalugay lang ang buhok. Napakasimple lang nya ngunit napaka lakas ng dating.. parang ako lang.
"You look pale. May sakit ka ba?" She is now curious and worried same with my father na hinawakan pa ng noo ko.
"Yes mom and dad. Ang bigat ng pakiramdam ko. So, if you have a plan today just go with ate nalang po. Sa room na lang ako pero sasabay ako sa inyong kumaen."
Paliwanag ko at biglang nalungkot ang mukha nila. My dad hugs me and kissed my forehead.
"That's because of Gian mom and dad." Singit ni ate na agad kong pinandilatan ng mata.
"What about him?" Mom asked.
"Inalagaan lang naman ni Ashanna kagabi mom. Ewan." Masungit at maarteng sabi ni ate.
"Kayo na ba non anak? Bakit di mo na lang sabihin kasi we like him for you." Si mommy na humawak pa sa braso ni daddy.
"Ang problema nga po, hindi sya ang gusto!" Si ate nanaman ang kumontra.
"I can easily get him but I won't. He is my best friend mom, dad." Paliwanag ko at ngumiti lang sila.
Inilagay ko muna ang gamit ko sa kwarto kung san ako matutulog. Mom reserved for a twin room for me and ate sana but I refused because I want to be alone. Ayaw kong maistorbo mamaya dahil masama talaga ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤