Epilogue

105 1 0
                                    

"Ano sama ka mamaya?" Tanong sa akin ni Greg.






Nasa Balcony kami ngayon ng hotel dito sa NY. Magdadalawang taon na ngunit wala parin akong balita kay Ash. Hindi ako nakasama sa meeting nila kanina dahil nga nagpasundo itong si Lorraine sa Airport. Walang malisya ang pagsama ko kay Lorraine. Casual lang kami sa isa't isa.







"You'll be happy sa makikita mo." Greg added.



"Is it Ash?" Walang ganang sabi ko at ngiting ngiti ang loko. Binato ko sya ng mineral water ng hindi nga nagbibiro ang loko.






"She's gorgeous." Mael said seriously. Hindi man halata pero naexcite ako. I'm nervous and my heart is pounding.






"Pinsan sya ni Ted. After natin sa meeting with Chan Holdings mamya ay diretso na tayo doon." Greg said at kunwaring tumango ako.




"Wag nga ako pare. Alam kong kinakabahan ka." He added at nagtawanan naman sila.





Ganoon nga ang ginawa namin. Hindi na kami nagpalit ng damit pero may mga baon kami. Plano naming mag overnight kila Ted hanggang sa makausap ko si Ash. Ganoon ako ka desperado. It's now or never.







"Asan si Ashanna, Ted?" Si Greg nang hindi na makapag timpi. Magdadalawang oras na kasi kaming nagiinuman sa bahay nila ngunit wala pa din akong Ash na makita.







"Umalis lang nagpaalam na pupunta sa kaibigan." Tipid na sagot ni Ted.






Kaibigan? Mabuti naman at may kaibigan sya dito.

Hindi din nagtagal at dumating din si Ash. Aaminin kong kabado ako. I want to be calm pero ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. She's gorgeous and I hate It. Hindi nya ako napansin dahil busy pa sya kausap ang pinsan nya.






She's very attractive at natitiyak kong sino man ang daanan nya ay mamamangha sa ganda nya. Nang tumingin sya sa gawi namin at magkasalubong ang mga mata namin ay halos hindi ako makahinga. Ang kaninang ngiti sa kanyang labi ay bahagyang nawala. Nagpaalam na sya na matutulog kaya bigo man ay hindi ko na pinahalata. She's cold!








Nang makauwi sya ng Pilipinas ay kaagad ko ding kinuha ang schedule nya, I mean kung saan sya pupunta. Mael is close with Ted kaya hindi naging mahirap para sa akin. Kahit sampalin nya ako ng ilang beses ay wala na akong pakialam, gusto ko lang ay bumalik sya sa akin.








Alam kong mahal pa rin nya ako ofcourse nakikita ko sa mga mata nya. May mga oras na gusto ko nalang syang hilahin palapit sa akin but I really need to control myself.









"Ang alam ko lang Kyle, mahal na mahal kita. Wala na akong pakialam kung ano man ang nakaraan. I'm inlove  with you at ikaw ang dahilan kung bakit buo akong muli." She whispered. We're both naked at narito kami sa guest room ng bahay namin. Siguro nga ay hinahanap na din kami ng mga kaibigan namin pero wala akong pakialam.











"Thank you for giving me a chance." I whispered at hinalikan ang kamay nya.








"Mahal na mahal kita Kyle." The last time I heard from her. Nang magising ako kinabukasan ay nagulat ako dahil wala si Ash sa tabi ko. Mabilis akong nagbihis at lumabas para hanapin sya ngunit wala. Tulog sa sala ang mga kaibigan ko.









"Sir, si Miss Ashanna po ba hinahanap nyo? Maaga pa po sya umalis." Ang kasambahay namin kaya naman mabilis kong kinuha ang sasakyan para pumunta sa bahay nila.









Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon