Inantok pa ako nang makababa para mag breakfast.. alas sais pa lang pero nakagayak na ako para sa unang araw ng klase.
Half day lang naman ang pasok ko at pang umaga ang pinili kong schedule para hindi conflict sa training ko kung saka sakali.
Pili lang din ang subject na tinake ko para naman di nako mahirapan kapag nag shift ako. Ganun din si Star. ( Idol kasi talaga ako non kaya kung nasan ako doon din sya ).
"I heard nag try out ka daw." bungad sakin ni ate nang makaupo ako sa dining table.
"Didn't know you cared" I answered.
"Ate mo ako Ash kaya umayos ka ng sagot mo." She said at tumahimik na lang ako..
May nag text sakin kaya agad nawala ang atensyon ko kay ate.
_see you later baby ❣_
Napakunot ang noo ko nang di ko mahulaan kung sino nanaman ang isang iyon. It's random! Ni hindi ko rin malaman kung sino ang nagpapakalat nang number ko.
Mabilis lang akong kumaen nang hindi kinakausap si ate at hindi na inisip ang nagtext. Umakyat lang akong muli sa kwarto para magtooth brush at mag ayos muli.
Maong pants, white sneakers at white tshirt lang ang suot ko. I'm not used kasi sa mga girly looks talaga, I'm not comfortable at parang hindi babagay sa akin pag ako na ang may suot.
_Where are you na ba? I'm waiting at parking area._
Star texted me. Akala ko naman ako lang ang maaga. Agad akong nag park sa tabi ng sasakyan ni Star nang makita ko ang mazda nya, she named it red because of its color.
Nakatayo lang sya sa pintuan ng sasakyan. Halata na ang inis sa mukha niya..
She's now wearing a red terno casual short button denim jacket with a white sando inside and a skirt above her knees and an ankle boots that suits her.
She's really hot! lalo pa syang gumanda sa suot nya even she didn't wear make up.
"Antagal." Reklamo niya nang makalapit ako sa kanya.
"Sino ba kasi ang nag sabi sayo agahan mo ang punta.? San punta mo? Studyante ka ba dito?" Pang-aasar ko pa at inirapan niya lang ako.
Naglakad na kami papasok ng campus.. medyo mahaba ang lalakarin namin dahil halos nasa dulo na ang building ng mga IT students.
Konti palang din naman ang studyante."May regla ka ba? Bakit ang sungit mo?" Tanong ko nang di na sya kumibo.
"Si kuya kasi. Napaka epal. He didn't know na IT ang kinuha ko. Ayon hindi na sya natapos kakasermon sa akin kanina.." she said.
"Ang aga ko tuloy umattend ng mass kanina" dagdag niya pa at natawa ako sa sinabi niya.
"Natural lang naman kasing magalit iyon. Una hindi mo sinabi sa kanya pangalawa kuya mo yon kaya ganun yon tsaka isa pa isa pang pasaway un.. nag take ng IT kahit hindi naman bagay sa lahi niyo tapos susunod ka pa sa kanya."
Mahabang paliwanag ko sa kanya na hindi na namalayang nasa tapat na kami ng classroom namin na kanina pa namin hinahanap.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤