"Lumabas ka pa daw kagabi?" Masungit na tanong ni mommy. Nasa hapag kami ngayon at nagaalmusal.
"Yes mom. Umuwi din naman ako kaagad." Sagot ko
"Sino ka meet mo?" She added ng hindi makontento sa sagot ko.
"I am with Kyle. Nag-usap lang kami." Sagot kong muli at di nakaligtas sa akin ang gulat at OA na reaksyon ni ate.
"Really.? That's nice couz." Kuya Ted reacted at nagtaka naman ang parents ko dahil alam ni kuya Ted.
"The reason why Ash move to NY mom. Ex nya yon. Yong madalas kong ikwento sa inyo ni dad na palaging narito. Nakikibalita sa maganda nyong anak." Ate answered at manghang tumango ang mommy.
"I want to meet him." Sa striktong boses ni daddy.
"Okay dad. Aayain ko po syang mag dinner dito mamaya." Sagot ko at tumikhim lang ito.
Kaya naman kahit maaga pa ay inihanda ko na ang bibilhin at lulutuin mamaya sa hapunan. Pumasok na si kuya Nikko at busy naman si kuya Ted sa laptop nya kaya naman nagkulong ako sa kwarto para tawagan si Kyle. Pinuyat nya ako sa tawag kagabi at di ko pa nakukuha ang sasakyan ko sa condo nya dahil inihatid nya ako.
"Hi!" Bati ko ng makita na sya sa screen. Seryoso ang mukha nya ngunit nag iba yon ng tumingin na sa akin.
"Nakatulog ka ba ng maayos? Nakatulugan mo na ako kagabi." Sabi nya at muling tumingin sa harap nya. Maybe he's busy with his laptop.
"Free ka ba mamaya? My parents wants to see you." Sabi ko at napatingin sya sa akin. Nakakagat labi na nakatitig sa akin. My G. Ang hot nya!
"Finally babe, ano bang gusto nila? Para naman hindi nakakahiyang wala akong dala." He's waiting for my answer at hindi niya talaga inaalis ang titig sa akin. Pero hindi na ako sumagot.
"I miss you." Nakakagat labi nanaman nyang sabi. "Gusto sana kitang kasabay mag lunch mamaya kaso my conference kami." He added at tumango naman ako sa sinabi nya.
"It's okay babe. May ka meet up naman ako mamaya." Nadulas kong sabi at kunot noo syang tumitig sa akin.
"Sino?" Tanong nya pero hindi ko sinabi.
"Basta." Sagot ko at sumimangot na sya.
"Don't wear shorts. Isa pa ayaw kong litaw ang cleavage mo." Masungit nyang sabi na ikina tuwa ko.
"Hindi na uso si Maria Clara mahal." Sabi ko at lalong nalukot ang mukha nya.
"Sinong mahal?" Masungit at galit nyang tanong. Ginawan nya ng issue iyon at bigla na lang akong pinatayan. I dialled him again pero pinapatay nya kaya hinayaan ko na muna.
Naligo at nag ayos na ako. Suot ang isang knee length chiffon short sleeve dress, nude pointed-toe high heel stilettos and my favorite prada sling bag. Nag lagay ako ng light make up at nag spray ng paborito kong pabango.
Gamit ang sasakyan ni ate ay dumiretso na ako sa isang restaurant na madalas naming tambayan at kinakainan namin ng mga kaibigan ko noon. Lalo pang gumanda at lumawak ang lugar.
"Ma'am. Naghihintay na po sa inyo si Ma'am Star. This way po tayo." Aniya ng usher sa akin at sinundan ko naman ito. Natanaw ko na kaagad ang kaibigan . Masaya syang tumayo at sinalubong nya ako ng yakap.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
De TodoWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤