"Doon muna ako sa kanila. Wag kang iinom ng sobra." Bilin ni Kyle bago ako iwan sa mga kaibigang kanina pa tuwang tuwa.
Inabot kaagad sa akin ni Star ang isang bote, kumindat pa sya sa akin at palihim kong inamoy iyon para makasigirong tubig ang laman non at saka ininom. Tumingin pa ako sa gawi nila Kyle at nakita ko pa syang masama ang titig sa akin kaya naman natawa ako.
"Yong tingin ni Kyle sayo Ash parang gustong itumba itong mesa." Miya said at sumang ayon naman ang dalawa.
"Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala Ash." Seryosong sabi ni Star.
"Ano pa bang ineexpect mo kay Ashanna Star? Masyadong private pagdating sa karelasyon." Shayah commented.
"Hindi naman sa ganoon girls. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa inyo na may nangyare sa amin ni Kyle. Ang awkward kaya at syempre nakaka offend din no." Sabi ko at napabungisngis sila ng tawa.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kanila.
"It's eleven fifty five."
Senenyasan ko ang isang waitress ng hotel para ilagay sa screen ang countdown timer. Nakatingin silang lahat doon at nagsimula ng mag ingay hanggang sa naging 10 seconds na lang para 12 midnight.
10
9
8
7
6
5
4
3
2
1
0........Sabay sabay kaming kumanta ng happy birthday to you.. inabot sa akin ang cake at naglakad na ako patungo kung san naroon si Kyle. Nakatayo na din ang lahat at pumapalakpak pa.
Inabot ko sa kanya ang cake nang matapos ang kanta. Pumikit sya saka hinipan ang birthday candle..
"Baby, happy birthday." Bulong ko at binigyan sya ng halik sa pisnge na ikinatuwa naman ng lahat.
"Bakit sa pisnge lang? Unfair ka Ashanna." Greg shouted at muli silang tumawa.. kinuha ko ang cake at inilapag sa table nila. Isa isa din syang binati at niyakap ng mga kaibigan namin.
"Salamat sa inyo." Kyle said.
"Yon na yon? Inuman na ulit." Greg shouted at mabilis nilang hinila ang table namin para idikit sa table nila.
"Tuloy ang party." Muling sigaw nya at tumabi na sa akin si Kyle. Kinakabahan ako dahil baka bigla nya na lang kunin ang inumin ko at malaman nyang tubig lang ang laman non.
"Tama na ang inom." Bulong nya sa tenga ko.
"Penge na lang akong cake. Nagugutom ako." Bulong ko din at bigla syang natawa.
"Babe, kanina pa kita tinitingnan at halos naubos mo na ang pulutan nyo. Ginawa mong kanin yong pulutan tapos sasabihin mo gutom ka pa?" Nang-iinis nyang sagot kaya naman sinimangutan ko lang sya.
"Wth, get a room bro." Si Mael naman ang nagsalita. Hindi iyon pinansin ni Kyle. Nag slice sya ng cake at ibinigay sa akin kaya naman kaagad ko ding tinikman iyon.
"Ash. Matulog ka na. Papikit na yang mata mo." Biglang sabi ni Star. Kaagad naman nabaling ang atensyon ng lahat sa akin.
"Ihahatid na kita kung inaantok ka na." Muling bulong sa akin ni Kyle.
"Uubusin ko lang ito." Sagot ko at tumawag sya ng isang waitress para manghingi ng tubig at inabot sa akin iyon. Hinintay nyang maubos ang pagkaen ko saka kami tumayo para magpaalam.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
De TodoWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤