We're now in a deep conversion with my group. It's past 9 PM at nagsisimula palang kaming mag enjoy.
Nasa tabing dagat kami at isa sa mga paborito ko ay ang nakikita ang liwanag na mula sa mga bituin. Ang ganda lang ng panahon pero mas may igaganda pa sana kung kasama ko si Kyle ngayon.
Sa gitna namin ay ang bonfire na hindi naman gaanong mataas. Sapat lang para pumawi ang lamig na dulot ng ihip ng hangin mula sa dagat.
"Nakita nyo ba ang post ni Kuya Kyle? Hala ate Lorraine may bago na nga sya." Ang pinakabata yata sa magpipinsan.
Dinig na dinig ko ang malakas na tawanan at kung paano nila asarin si Lorraine. Kahit ako ay parang nanlamig dahil kahit alam kong wala akong ginawang masama naguguilty padin ako.
"Baka pinapagselos ka lang ate.?" Si Star ang sumagot.
"Tingin mo?" Biglang bulong sa akin ni Shayah na agad kong kinurot sa tagiliran.
"Bakit ba kasi ang tagal mong sagutin si kuya ate? Yan tuloy mukha ngang may bago." Sagot uli ng pinsan nilang hindi ko talaga maalala ang pangalan.
"Move on na lang. Hindi rin naman kasi natin masasabi ang puso. You know. Kahit na sabihin nating gusto natin ang isang tao pero kapag na feel natin na binabalewala tayo hahanap talaga tayo ng iba." Si Miya ang nagsalita na ikinagulat ko. Ni hindi ko rin matitigan ang reaksyon ni Lorraine.
"Ang lalim naman non. May boyfriend ka na ba?" Si Mark ang nagtanong at nagsimula nanamang magbiruan ang lahat.
"Yeaah.. Wag kayong mag-alala invited kayo sa kasal ko." Sagot nya at tumawa na kaming lahat.
"Seryoso ako..totoo nga promise." Dagdag nya pa.
"Sige ba. We'll contact you gals kapag nasa Manila naman kami." Hirit naman ng isa.
Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin at inuman. Tahimik lang naman ako at nakikinig sa hindi matapos tapos na kwentuhan. Ni hindi ko na nga maalala kung anong oras na kami nakabalik sa kwarto.
Kakagising ko lang at hindi pa sumisikat ang araw. Siguro ay nabitin ako sa inuman kagabi kaya naman mas maaga akong nagising ngayon.
Dahan dahan akong pumunta sa cr ng kwarto namin. Naghilamos at nag toothbrush bago lumabas. Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape habang ang lahat ay tulog pa. We're going back to Manila na din kasi mamayang hapon.
Pumwesto kaagad ako sa upuan sa labas kung saan malapit sa dagat. Bitin na bitin sa akin ang outing na ito. Mas masaya sana kung aabutin kami ng 3-4 days dito kaso may aasikasuhin pa kami.
Napaka payapa ng paligid tanging malalakas na alon lang ang naririnig ko. Malamig din ang ihip ng hangin.
Hinihintay ko lang ang tawag ni Kyle kahit alam kong hindi naman talaga sya makakatawag. Unti unti ko na din nakikita ang papalabas na liwanag. Inienjoy ko lang ang paginom ko ng kape nang tumatawag sa akin si Gian.
"Yes G? Kamusta? Sa akin ka ba talaga tatawag?" Pang aasar ko sa kanya dahil madalang na lang kasi kaming magkita o magkausap manlang. Sila parin naman hanggang ngayon ni Miya.
"Kelan kayo uuwi? Sabay pala sa graduation mo ang birthday mo? Anong plano?" Seryosong tanong nya.
"Natutulog pa si Miya" sagot ko at humagalpak sa tawa. Nahinto lang ako nang hindi ko manlang marinig ang tawa nya.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤