07

187 4 0
                                    

Kaagad akong bumaba ng sasakyan ko nang makarating akong bahay. Nakasunod naman sakin si Gian at hinintay ko na lamang syang makababa muna bago pumasok sa loob.



"Payakap pa ng isa, sobrang namiss kita" salubong niya sakin at hinayaan ko lang sya.




"Nagugutom na ako." Reklamo ko




"Let's go inside first. Ano ba ang gusto mong kainin at ipagluluto kita".





Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at sabay na kaming pumasok sa loob.




"Ma'am may bisita po pala kayo. Ano po ba gusto niyong ulam? Hindi po ako nakapag luto at bihira ka lang naman po  umuwi ng tanghali"

Salubong sakin ni manang.

"Okay lang po manang. Si Gian na lang daw po ang magluluto." Ngiti ko kay manang at bumaling sa kasama ko.

"Ikaw na ba yan Gian? Ang laki at ang gwapo muna"

"Mabuti at nandito ka para bumisita, ilang taon narin kitang hindi nakita." Aniya pa.

"For good na po ako dito manang at dito ko narin tatapusin ang last year ko sa college" sagot ni Gian at tumango tango lang si manang.


"Ay ikaw na lang ba ang magluluto? Sige ituturo ko sayo kung nasan ang mga sangkap at kung ano itong lulutuin mo." Ani manang habang dinala kami sa kusina.



"Girlfriend mo na ba itong si Ash?" dagdag pa nya at biglang napakamot sa ulo si Gian.


"Manang, Gian. Ligo lang ako. Maiwan ko muna kayo.. mabilis lang to." Paalam ko at tumango lang sila sakin.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng pambahay. Isang short at big gray shirt lang ang sinuot ko.


"Naghilod ka bang mabuti?" Tanong ni Gian ng makaupo ako sa swivel chair sa may counter top ng kitchen..

Naaamoy ko na ang niluluto niyang chicken curry..


"Anong eksena mo kanina at may pabulaklak ka nanaman.?" referring bout what he did at school.




"Sino nanaman ang babae at pati ako'y dinadamay mo sa kalokohan." I continued at lumapit na kung saan sya nagluluto.



"Just bare with me baby." Sabi niya at pinatikim sakin ang niluluto niya.


"Abnormal. Dinadamay mo pa ko jan kaya andami kong haters, dahil sayo." Reklamo ko at nakakaloko niya akong tinitigan.


"Ngayon lang yata kita nakitang nagreklamo. May especial someone ka na ba at parang may pinuprotektahan ka.?" He smirked


Bumalik ako kung saan ako nakaupo kanina at ngayon ay naghahain na sya.



"Wala no. Paano ako makakahanap niyan kung may pabulaklak ka." Rason ko at ngiting ngiti syang humarap sa akin.



"So meron nga." He insisted at inirapan ko lang sya. Kumaen na ako at todo ngiti lang sya sakin.

"Sungit naman. Meron na talaga? Sino naman ang kawawang lalaking iyon?" Pangungulit niya pa.

"Kumaen ka na nga lang..gutom talaga ako G. Kaya pwede mamaya na tayo mag-usap."

Pagkatapos namin nagligpit lang kami at dumiretso na sa sala.

"Dito ka lang?" I asked at tumatawa nanaman sya.


"Ofcourse. Bakit san mo ba gusto? I wondered.


Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon