Alas nwebe na ng umaga nang magising ako. Opening namin today for Intramurals kaya walang masyadong ganap.
Bukas pa ang laro namin kaya wala akong balak pumuntang school bukod kasi sa tinatamad ako hanggang ngayon hindi pa maayos ang pakiramdam ko.
Tamad na tamad akong kinuha ang phone ko kung san tumatawag si Miya.
"We're on our way to your house. Magbihis ka na, wala ka bang balak pumuntang school?" Bungad nya sakin.
"Ha? Wala akong balak umalis" sagot ko
"Dress up. See you." She said at binabaan na ako.
Labag man sa kalooban ay mabilis akong naligo at nagbihis. Nagsusuklay na ako nang biglang bumukas ang pintuan ko at iniluwa non ang mga baliw kong kaibigan.
"Sigurado ka bang nagkasakit ka? Bakit ang blooming mo?" Si Star na lumapit na sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Asan si ate? Pagpaalam ka namin." Si Shayah na chineck pa ang leeg ko kung mainit pa ba ako. Samantalang nakaupo lang na nakatitig sa akin si Miya.
"Sa school lang naman tayo pupunta, bakit kailangan pang magpaalam?" Takang tanong ko.
"Ofcourse, kailangan mong bumawi samin dahil wala ka nong Saturday." Masungit na sabi ni Miya.
"Bababa na muna ako. Ipagpapaalam muna kita." Excited na sabi ni Shayah at hinila na si Miya para lumabas ng kwarto.
Niyakap ako bigla ni Star. Halos hindi na ako makahinga sa higpit ng pagkayakap nya sa akin.
"Namiss kita.. sorry kung di manlang ako nakapunta dito para i check ka. Bigla kasing umuwi si mommy kahapon sa bahay." Paliwanag nya at kumalas na sa akin.
"Okay lang. Saan ba punta natin kasi?" Tanong ko at excited nanaman syang nag salita.
Nag plano pala sila na mag pajama party mamaya kila Star. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na din nagawa. Pinayagan naman ako ni ate dahil sila naman ang mga kasama ko.
Bitbit ang duffel bag na may lamang iilang gamit para mamaya at diretso na sa laro bukas. Naka plano din silang manood ng laro ni Kyle ngayon at hindi na ako kumontra since may utang nga ako sa kanila.
I am wearing a skinny jeans and a usual white tshirt and white sneakers, malayo sa tatlong kasama ko na naka OOTD talaga. may baon pa silang snacks na akala mong manonood ng sine.
Marami ng tao sa gym. Pumwesto kami kung saan malapit sa bench nila Kyle. Ni hindi ako tumingin sa kanya nang tinawag sya ni Star at lumapit sa gawi namin.
"Uy. Ang sarap naman maglaro kapag nanonood si crush." Biro ni Joaquin sa akin at kumindat pa ang gago.
I didn't care since alam kong biro nya lang yon at alam nyang iba ang gusto ko. Nag thumbs up lang ako sa kanya at sakto namang tinawag na sila ng coach nila.
BINABASA MO ANG
Cold-blooded QUEENS
RandomWhen A cold-blooded Queen is inlove, she can keep it. She can go and come back and still inlove with you. ❤