02

399 11 0
                                    

Medyo nailang ako sa titig nila sakin.. Buti na lang at dumating ang order namin nabaling ang atensyon nila sa pagkaen. Nagsimula na kaming kumaen, hindi kami nagsisi dahil masarap talaga..










"So, sino nga iyon Ash?" muling tanong ni Star habang ang mga mata ay nasa pagkaen. Hindi talaga matatahimik ang isang to hangga't di nalalaman ang gustong malaman.











Kunot noong napabaling muli sakin ang dalawa. "San ba?, ano ba ginawa?" maang na tanong ni Miya. "Nakita ko kaninang umaga si Ash with a guy nag selfie sila don sa dagat, mukhang may ka tagpo" sagot ni Star na pinandilatan ko ng mata.








"What the hell Star, issue ka" mariin kong sabi at tumawa lang sya. "ganda!" Si Shayah na muling ibinaling sa pagkaen ang atensyon. Hindi big deal sa kanila yong ganitong issue, papansin lang talaga itong si Star minsan.








Nagpahinga lang kami ng konti, pagkatapos naming kumaen. Nag groufie pa muna kami at umorder muli para may makaen sa byahe.













Nang muling sumakay sa sasakyan at bumyahe ay nasa kondisyon na ang lahat. Ikaw ba naman mabusog, kung di gumanada yang pakiramdam mo. We even played a music at sumabay sa kanta. Isa din ito sa mga paborito ko kapag kasama sila walang humpay na kantahan, tawanan at kwentuhan sa byahe.
















Nang mapagod sa pagdadrive ay ako naman ang pumalit kay Star. Hindi kami dumaan sa SCTEX dahil hindi naman traffic sa North at isa pa may dinaanan kami sa Pampanga na bilihan ng pasalubong knowing that Pampanga is famous for its culinary wonders. Nag lunch pa kami sa isang famous sea food restaurant in San Fernando.















Matagal na naming pinaplano ang pagpunta dito para itry ang iba't ibang sikat na restaurant sa lugar maybe next time na lang ulit at pagod na kami sa byahe.









"So what are you planning tomorrow?" Miya asked. Sinubuan pa niya ako ng chips habang nagdadrive. "matutulog ako bukas kaya wag niyo akong isturbohin" sagot ko.









"Hindi ko alam kung anong meron but it looks like kuya throw a pool party with his friends tomorrow" Star said, lumingon pa sya sa likod. "You guys can come, we can have a room party though" excited niya pang sabi..












"Sure" excited na sang ayon din ni Miya. "Okay lang" sagot naman ni Shayah. "Baka ma late ako, you know I love my bed." Sabi ko at wala naman silang violent reaction.











Si Star na muli ang nagdrive dahil sya ang may-ari ng sasakyan. Inihatid niya kami isa-isa sa subdivision namin. Ako, si Shayah at huli si Miya dahil same subdivission lang sila pero malayo ang pagitan.













Alas tres ng hapon nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay at habang abalang kinukuha ng maid ang gamit ko sa loob ng sasakyan ni Star ay bumeso muna ako sa kanila isa-isa.















"Thank you gals, I really enjoyed the 2 days of vacay" I smiled. Ngumiti lang sila at sumang ayon din. Halata na ang pagod sa mga mata. "Group chat na lang" I said at tumango sila. "Star, ingat sa pagdadrive ha..thank you" paalam ko at umalis na sila.








"Where's everyone?" tanong ko ng may makasalubong na maid. "Nasa Business Trip po ang parents niyo ma'am. Si ate Shan niyo po sinundo ng mga kaibigan kanina" sagot nito. Tumango lang ako at dumiretso sa kwarto.












Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon