14

151 4 0
                                    

Sabay sabay kaming pumasok sa isang mamahaling restaurant na hindi ko alam kung bitter lang ba ako o hindi ko talaga gusto.










Taas noo namang umupo at tumabi si Lorraine kay Kyle. Napapairap na lang ako sa nakikita dahil kaharap ko pa ang mga ito.








"Okay ka lang? Kanina kapa irap ng irap dyan." Bulong ni Miya.









Umorder na kami ng isinuggest na masarap daw na pagkaen ni Lorraine. She's now bragging everything na akala mong first time ang lahat para sakanya.









"Naiinis ka din?" Bulong ulit ni Miya na kinalabit pa talaga kahit na magkatabi lang kami.








"Ang daldal nya sobra.. hindi ba dapat ako lang ang madaldal?" Bulong ulit nya at napangiti ako sa kanya at napatingin naman sa amin si Lorraine.








"Ang galing nga ni Kyle kasi dito ang first date namin.. grabe..sobrang sarap ng mga foods here." Lorraine said.







Pwede bang isampal sa kanya na wala kaming Pakialam sa imaginary love story nilang dalawa kung meron man. Itong magaling na Star naman ay manghang mangha sa pakikinig sa hipag nyang hilaw.










Nang dumating ang order namin ay salamat at natahimik din sya.. mabilis akong kumaen dahil mauuna na ako sa kanila.








"Let's drink after this guys." Aya ni Lorraine at wala manlang pumansin sa kanya.








"Ayaw nyo?" Malungkot nyang sabi.








"May inuman din kasi bukas sa bahay kaya umuwi na lang tayo after nito." Kyle said at napapatango naman si Joaquin.







"Saglit lang naman. Isa pa may mini bar din naman dito, dyan lang sa parteng likod." Turo nya doon sa may exit.








Tumango lang si Kyle at parang batang pumalakpak pa sa tuwa dahil napag bigyan sya.








"Kita mo ate. Kahit kelan hindi ka matiis ni kuya." Ang tanga kong kaibigan na mukhang number 1 fan ng dalawa.








"Napano ba si Gian? I have an ointment here. I don't know if it's working but try this to give him." Si Miya na binigyan ako ng maliit na bottle.








I smirked at her at nakita ko kung paano malukot ang mukha nya.







"Old school.. baka mamaya gayuma to ha." Pang iinis ko at kinurot nya lang ako.






"Anong meron?" Si Shayah na napansin kaming dalawa.









"I need to go." Sabi ko at nag react naman itong si Joaquin.







"Ang bilis naman Ash, may lakad ka ba?"malungkot na tanong nya.









"Yeah. May bibilhin pa kasi akong gamot. Can you drive for me? Pabalik lang ng campus." I asked.






"Ipagdadrive na kita." Masungit na sabi ni Kyle at tumayo na. Ni hindi manlang yata narinig ang sinabi ko.










"I bet he likes you." Bulong sa akin ni Miya at ngumising tumitig naman si Shayah.










"Just go Ash. Hintayin nalang namin si Kyle dito. Total nag-aya na itong si Lorraine na uminom." Si Miya na kumindat pa sa akin.









Cold-blooded QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon