Chapter 24: Mitch's Feelings

278 14 0
                                    

ZOE's POV

Dumapa ako sa kama at isinubsob ang sarili ko sa unan. Agh! Bakit hindi pa din bumabalik sa normal itong tibok ng puso ko?! O-oo, nagseselos a-ako.Aish! Bakit hindi din mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni Brian?! Tss.

Alam kong iisa lang ang isasagot sa akin nila Ena, Amber at Ate Sky kapag sinabi ko sa kanila 'tong nararamdaman ko. Pero, hindi ko na kailangang itanong pa sa kanila dahil aware naman ako kung ano 'to, hindi naman ako gaya ng ibang babae na kung ano-ano pang sakit ang iisipin dahil bumibilis ang tibok ng puso nila. Alam ko naman kung anong dahilan at kung bakit eh. Ayoko lang tanggapin kasi hindi pwede.

"Pululu," Umupo ako at kinuha si Pululu. "Anong gagawin ko? Bakit ba kasi ganun siya? Bakit kung umasta siya ay akala mo totoo ang lahat? Alam naman niyang nabuo lang 'to ng dahil sa contract eh. Hindi ko naman pwedeng isipin na ganun yung nararamdaman niya sa akin kasi simula palang ganun na niya ko tratuhin." Humiga ulit ako at inakap si Pululu. "Ayoko namang tumalon sa ganung conclusion dahil parang pinapaasa ko lang yung sarili ko. Pululu, ano ng gagawin ko?"

 

-x-x-x-x-x-

"AMBER!"

"Ayan na si Kath." Sabi ko kay Amber ng makita ko ang pinsan niya na papalapit sa amin. Umupo ito sa tabi niya at nag 'hi'.

"Anong order mo?" Tanong ni Amber.

"Umorder na si Chris para sa atin." Naka ngiting sagot nito.

"Ha?! Bakit kasama mo yung lalaking yun, kay-kay?" Asar na tanong ni Amber.

"Eh, siya lang naman yung may lakas ng loob na kausapin ako eh. Tyaka, ayaw sa aking ng mga classmates ko no."

 

"Bakit ba kasi sa section ka pa nila napunta eh."

 

"May magagawa pa ba tayo Amber? Eh wala ng slot sa section natin." Sagot ko naman. Two slots na lang kasi yung bakante sa section namin. Nataon pa na nag transfer ako at si Ena, kaya ayun, sa ibang section napunta si Kath.

"Tss."

 

"Wag ka ng maasar dyan Amber."  Tinapik nito yung ulo ni Amber na parang aso. "Ililibre na lang kita ng favorite mong ice cream."

 

"Sinabi mo yan ah?" Nag-smirk si Amber sa kanya at nag nod naman si Kath.

"Asan nga pala yung nerd na kasama niyo?"

 

"Nerd?" Sabay na tanong namin ni Amber.

"Uh-hu. Yung gwapong nerd na humila sayo." Sagot ni Kath sa akin.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon