Chapter 21: She's back

288 13 0
                                    

Hi guys! ‘em back! Sorry sa super late na update! Ngayon lang naayos yung PC ko eh. Hihi. Sana mag enjoy kayo sa chapter na ‘to. :) Happy new year!

- Zenskie29

---------------------

BRIAN’s POV

Sigh. Nakatingin lang kaming apat kay Zoe na nakatingin sa labas ng bintana at mukhang malalim nanaman ang iniisip niya. Isang buwan na ang lumipas simula ng mabasa niya yung sulat sa kanya ng Papa niya at hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung anong gagawin niya. Kung hahanapin ba niya ang Mama niya o ang tunay niyang mga magulang. Iniisip kasi niya na baka may iba pang detalyeng alam ang Mama niya na makakatulong sa paghahanap niya sa tunay niyang mga magulang pero, iniisip din niya kung mag sasabi ba ng totoo ito.

Muli akong na pa tingin kay Zoe ng bigla itong tumayo at naglakad. Nang malapit na siya sa kusina ay biglang huminto ito at tumingin sa amin.

“Hindi ba kayo kakain?” Tanong nito.

“Ah…” Napa kamot si Amber sa batok niya. “Kakain?”

“Tara na.” Yaya nito at tsaka nag lakad ulit. Nag tinginan kami sa isa’t-isa at napa shrug na lang.

“Ano bang gagawin natin sa kanya?” Tanong ng bestfriend niyang si Ena na nag-aalala na.

“Ewan?” Sagot sa kanya ni Amber.

“Tsk. Mag-isip ka nga minsan Amber.” Ngumiti sa kanya si Amber at nag peace sign.

“Eh bakit kaya hindi ikaw ang mag-isip? O baka wala ka ring maisip dahil ako ang laman niyan?” Tinuro ni Nicko yung ulo ni Ena pero agad na hinawi niya ito.

“As aka namang iisipin kita? Tsk.” Tumayo ito at sinundan si Zoe sa kusina.

“Inaasar mo nanaman siya.” Sabi k okay Nicko at tumayo na rin para pumunta sa kusina, sumunod na din si Amber sa kanila. Umakbay sa akin si Nicko.

“Hindi pang-aasar yun, paglalambing yun.” Sagot nito sa akin. Umiling na lang ako sa sinabi niya at umupo na sa tabi ni Zoe.

Nasa bahay kami ngayon at naka tambay. Ang totoo niyan, bigla na lang pumunta dito yung tatlo ng walang paalam. Ayaw kasi ni Ena na mag-isa si Zoe dahil nga sa problema niya kaya ayun, niyaya niya si Amber at para hindi naman daw ako ma O.P sa kanila, niyaya na din niya si Nicko kahit labag sa loob niya.

“Wala ba kayong balak umalis ng bahay?” Tanong ni Ena kay Zoe. Umiling ito bilang sagot at ipinagpatuloy yung pagkain niya.

“Hindi ka ba naiinip dito?” Tanong naman ni Amber. Umiling lang ulit ito. Napa buntong-hininga na lang silang dalawa ni Ena at binigyan kami ng ‘mag-salita-kayo-at-kausapin-si-Zoe’ na tingin. Ayaw pa kasi nilang aminin na buryong-buryo na sila dito sa bahay kaya pilit nilang niyaya si Zoe na lumabas.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon