A/N: Hi guys! Dapat 3 parts 'tong christmas pero gagawin ko na lang na chapters. :D Hihi. Sorry kung natagalan yung update. Enjoy po! <3
- Zenskie29
—————————————————————————————————
ZOE's POV
Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumapit sa study table kung saan naka patong yung picture frame.
"Good morning pa." Bati ko habang naka tingin sa picture naming dalawa. "Merry Chirstmas." Ngumiti ako.
Bisperas na ng pasko ngayon at halos lahat ng tao ay busy sa paghahanda pero kahit ganoon, hindi pa din nawawala ang ingay sa kanya-kanyang mga bahay. Halo-halong Christmas songs ang naririnig ko at mga paputok.
"Ate Zoe," Binaling ko yung tingin ko kay Mika na naka tayo sa tabi ng pinto. "Kakain na tayo!" Sigaw na yaya nito sa akin. Nag-nod ako at sabay na kaming bumaba.
Kararating lang nila Tita kagabi at dahil sa tatlo lang kami dito sa bahay, niyaya nito sila Ate Sky na dito na din mag celebrate. Pamilya na ang turing nila Tita sa kanila at syempre, pati sa akin. Kahit na ilang buwan pa lang ang lumipas simula ng maging fiancé ako ni Brian ay hindi nila ko tinuring na ibang tao. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng family na kagaya nila.
"Kamusta nga pala kayong tatlo dito nung wala kami?" Tanong ni Tita ng maka-upo ako sa tabi ni Brian at si Mika naman ay katapat ko.
"Oo nga," Pag sang-ayon ni Ate Sky habang nilalagyan nito ng pagkain si Mika sa plato. "hindi man lang kayo nag tetext or tumatawag para balitaan kami."
"Ah..." Nag flash back lahat ng nangyari sa isipan ko nung wala sila dito at syempre, kasama dun yung na kiss ko si Brian pero syempre hindi sa lips, malapit lang dun. Blush.
"Ang sweet ni Ate Zoe at Kuya Brian!" Pag singit ni Mika.
"Sweet? Kaya pala bigla kang namula diyan Zoe." EEEH?!
"Opo! Tapos, naglaro kami ng bahay-bahayan, si Kuya Brian yung daddy at si Ate Zoe yung Mommy!" Blah. Blah. Blah. Sigh. Nag tuloy-tuloy si Mika sa pag kukwento kila Ate Sky habang kumakain kami. Samantalang kami naman ni Brian ay nanahimik na lang at pinabayaan siya sa pagdadaldal niya. Syempre, hindi na kami makaka singit sa kanya at kahit na anong gawin namin ay hindi siya papayag na masingitan siya. Haay! Grabe talaga kadaldal 'to.
-x-x-x-x-x-
"Sorry Zoe, hindi talaga kita makakasama mag celebrate ng Christmas ngayon. Kahit na gusto kong maka-uwi agad ay hindi ko magagawa dahil ni-lock ni Nick yung gamit ko sa likod ng compartment ng kotse niya at hawak niya yung wallet ko." Asar na pagpapaliwanag sa akin ni Ena.
"Ok lang. Alam ko naman na mas mahalaga na si Nicko sayo kaysa sa bestfriend mo." Pabirong sagot ko sa kanya at kunwari ay nagtatampo ako.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...