ZOE’s POV
“Pakiramdam ko, ang daming sikreto ni Brian.” Nasa kwarto ako ngayon at kausap yung Bunny na bigay ni Brian sa akin kahapon. Wish ko lang sumagot siya. Haay!
“Zoe,” napa tingin ako kay Brian habang papasok siya sa kwarto ko. “Dinalhan kita ng snacks oh.” Binaba niya sa side table yung tray na may lamang cake at lemon juice.
“Ok na ba yu—” Napa hinto siya sa pagsasalita ng hawiin ko yung kamay niya na ihahawak sana sa paa ko.
“Ok na ko. Pwede ka ng umalis.” Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at inakap ng mahigpit yung Bunny.
“Pero—”
“S-sinabing lumabas ka na eh!” Sigaw ko habang nanginginig yung boses ko.
“O-ok.” Sumimangot siya na parang bata at lumabas na ng kwarto ko.
Sa totoo lang, nung matapos yung mga nangyari kahapon, sa tuwing andyan o hahawakan ako ni Brian ay natatakot ako. Hindi ko kasi alam kung bakit siya nagkakaganun? Kung tinatago niya lang ba yung totoo niyang ugali o baka naman may split personality siya? Gusto kong magtanong pero ayun nga, NATATAKOT AKO!
Pero, napapaisip pa din ako, kung kaya niya palang makipag-away, bakit hindi niya ipagtanggol yung sarili niya? Bakit nagpapa-tuloy siya sa pagiging isip bata at nerd? -_- Kung nilalabas niya yun, wala na sana kaming problema diba? Haay!
“Zo—”
“SINABING UMALI—Ena?” Naka tingin siya sa akin ng masama dahil sa napa sigaw ako. Eh, akala ko kasi si Brian. >_<
“Aba, sinisigawan mo ako?!”
“HAHA. Nagulat lang siya. Hindi ka kasi kumakatok eh.” Hirit ni Amber.
“Sorry… Akala ko kasi si Brian eh.” Umupo sila sa kama ko.
“Magka-away kayo?” Tanong ni Ena.
“Bakit ka galit?” Sunod na tanong ni Amber.
“May ginawa ba siya sayo?” Sabay na tanong nila. Hay! Kung maka react akala mo magulang ko eh. -_-
“Anong nangyari kahapon?” Tanong ni Ena.
“Bakit nagkagany—”
“Wait!” Naputol yung pagsasalita ni Amber ng magsalita ako. Pano ako sasagot sa kanila kung tatadtarin nila ko ng tanong?! Pambihira! Tss.
“Hinay-hinay lang pwede?” Inakap ko yung bunny at huminga ng malalim.
“Lumabas kami ni Brian kahapon. Oo, pumayag akong sumama sa kanya dahil bored na bored ako dito at busy kayong dalawa.” Sabay turo sa kanila. Ngumiti na lang sila na ang ibig sabihin ay sorry.
“Nag punta kaming E.K., habang hinihintay ko siyang bumili ng inumin ay narinig ko na lang na may nagagalit at ayun, naka disgrasya nanaman siya.”
“Clumsy.”
“Hindi pwedeng mag-isa.” Kumento nilang dalawa. Alam ko yun.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...