Chapter 11: Teardrops in the rain

384 15 2
                                    

Badtrip! Bakit ba kasi bigla-bigla na lang nag sasalita si Mika?! Agh! Pero ang may kasalanan talaga nito ay yung dalawang representative namin na nag back-out eh! Kung hindi sila umayaw, hindi sana sila naghanap ng kapalit at hindi ako napasali sa pesteng pageant na 'to! Nakakainis! At sa dinami daming lalaki sa room, si Brian pa ang napili nila! Baka mapahiya lang kami nito eh! :|

"Z-zoe," Tumingin ako kay Brian. "Y-yung tungkol sa pageant... p-pano ko gagawin ng maayos yun? Baka mapahiya ka lang kapag ako yung partner m-mo..." Ha, buti alam mo yun? Buti alam mo na pwede akong mapahiya ng dahil sayo! Tss.

Sa pageant kasi na sasalihan namin, dapat pareho kaming malakas ang impact. Yung pag ju-judge kasi ay hindi individual, kundi, as couple. Kaya ang mananalo ay pareho ng section.

"Zo--"

"Tama na nga Brian." Sigh. Humiga ko sa kama niya at nakatitig lang sa ilaw.

Pano kaya namin magagawa ng maayos 'to? Di na kasi problema yung itsura niya, ugali ang kailangang maayos namin. May talent naman siya, pwede siyang mag drums o kaya mag gitara. Speaking of talent, ano nga din pala ang itatalent ko?! >_< Ano ba naman yan!

“S-sorry.” Sigh. Pero, pano nga talaga kami mananalo nito? Lalo na at alanganin kami sa talent portion! Nakasalalay pa naman sa amin yung final exam namin sa lahat ng subject. Nakaka-pressure kaya!

“Ah, Zoe, gus—”

“Waa—” Nakatingin sa akin si Brian at gulat na gulat sa nangyari at ako naman ay naka tingin sa bumagsak na cake sa kama niya. Sakto kasi yung pag-upo ko ng ialok niya ko ng cake kaya tumama sa mukha ko. Tapos ayun, nalagyan ng icing yung mukha ko. Tiningnan ko siya ng masama.

“S-sorry!” Tatayo na sana siya para kumuha ng ipampupunas sa akin pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya. “B-bakit?” Nagtatakang tanong niya. Iniisip niya siguro na sasaktan ko siya o kaya magagalit ako sa kanya. Nag titigan kaming dalawa tapos bigla ko siyang pinunasan ng icing sa mukha.

“Yan! Quits na tayo!” Bleh!

“E-EEEEEH!” Nagulat siya dun sa ginawa ko, pero ng maka recover na siya ay kumuha siya ng icing dun sa isa pang cake at nilagyan ulit ako.

“HAHA!” Lumayo siya ng konti sa akin at tinawanan ako. Baliw ‘to ah? Gusto niya pala ng gantihan ah? Kumuha ulit ako ng icing tapos hinabol siya para lagyan ulit.

“Uy! Tama na Zoe!” Sabi niya habang tumatakbo.

“Anong tama na? Gumaganti ka eh! Kaya gaganti din ako!”

Wala kaming ginawa kundi ang maghabulan. Pano ba naman, pag nalagyan ko na siya, lalagyan niya din ako. Kaya ayun, mukha lang kaming tanga sa kakahabol sa isa’t isa.

“Huli ka!” Nasa likod ko si Brian at naka-akap sa akin.

“Ay! Bitawan mo ko!” Tinatakpan ko yung mukha ko kasi lalagyan nanaman niya ko.

“Ayoko!” Pang-asar na sagot niya sa akin.

“Brian!” Nung naka hanap sya ng tsempo ay nilagyan niya ulit ako sa mukha! Grabe talaga ‘to! Hindi kami matitigil nito eh!

Kinuha ko yung icing na nilagay niya sa mukha ko tapos humarap sa kanya para ipunas iyon pero napa hinto ako. Naka tingin ako sa mga mata niya at ganun din siya sa akin at ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Ngumiti ito sa akin, hinawakan niya yung kaliwang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya… Hindi ko alam kung bakit, pero kusang pumikit yung mga mata ko. Blush.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon