Chapter 20: Letter

355 13 0
                                    

Chapter 20: Letter

 

AMBER's POV

Yawns. Sabi nila 6:30 ang start ng photoshoot, bakit hanggang ngayon ay nag-aayos pa din sila? Tss. Bitin tuloy yung tulog ko. -_-

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko. Buti na lang at FREE WI-FI dito sa resort kaya pwede akong makapag laro ng CoC (clash of clans). HAHA.

"Aww. May sumugod sa akin!" Waaaah! Nangalahati tuloy yung gold at elixir ko! Tss. Bawas pa trophies. Ampupu.

"Angaga-aga, nakabusangotkadyan?" Tanong sa akin ni Ena tyaka tumabi sa akin.

"May sumugod kasi sa akin eh, ang dami pang na loot." Naiinis na sagot ko sa kanya habang naglalaro ako sa cellphone.

"Aish! Akala ko naman kung anong problema mo. Laro lang pala. HAHA."

"Syempre, ang hirap kayang mang loot." Grabe mag asar 'to. Palibhasa kasi, hindi marunong mag laro kaya hindi niya ko naiintindihan.

 

"Kakain ako, sama ka?"

 

"Geh lang." Sagot ko. Napansin ko siyang nag shrug sa gilid ko tyaka umalis. Alam kasi niya na ang ibig sabihin ng sagot ko ay hindi ako sasama.

Hala?! Pambihirang yan, talo pa ko! Tss. Ang lalakas pala nung laman ng Clan Castle ng sinugod ko. Pambihira! Ayoko na nga! Mamaya na lang ulit ako mag lalaro. Tss.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko tyaka lumakad papunta sa canteen ng resort pero bago pa ko makalayo ay may narinig akong nag salita.

"Weak." Tiningnan ko kung sino yung nag salita at para malaman kung ako ba yung tinutukoy niya.

Paglingon ko ay may nakita akong lalaki na naka-upo sa tabi ng inuupuan ko kanina. Naka tingin siya sa direksyon ko habang naka-smirk. Ako ba yumg tinitingnan niya? lumingon lingon ako sa paligid, ay, dalawa lang pala kami dito.

"Ikaw yung tinutukoy ko." Turo niya sa akin. "Weak sa CoC." Napakunot ako ng nuo sa sinabi niya. Sino ba 'tong bakulaw na 'to? Lumapit ito sa akin.

"Ikaw pala yung naatake ko kanina. HAHA. Weak." Nilagpasan niya ko at nag wave sa akin habang naka taikod siya.

Ah! Bwisit siya! Ang yabang ng bakulaw na yun ah?! Humanda ka sa akin at mag hihiganti ako sa pag atake mo! Kala mo kung sinong magaling! Tss!

Pero, wait, parang familiar siya sa akin. Saan ko nga ba siya nakita?

-x-x-x-x-x-

ZOE's POV

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon