CHAPTER 33: CONFESSION

163 9 0
                                    

KATH's POV

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan kong gawin ang mga 'to!" Pag rereklamo nung nag-iisa at pinaka maarte kong kagrupo. Hay! Lahat na lang ng gagawin namin ay may reklamo siya.

"Pwede naman nilang sabihin sa akin kung kailangan ng mga maids para sinama ko na lang sila dito. Tch. Sayang yung nail polish ko!" Kung makapag reklamo akala mo may nagawa na siyang matino. Tch. Siya kaya pagsibakin ko ng kahoy dyan?

"Agh! Hey Kaylee Katherine!" Binaba ko yung kutsilyong hawak ko at tumingin sa kanya.

"What?!"

"I think you can do all this things alone. Pagod na ko at nasisira na din yung nail polish ko." Aba ayos! May balak siyang iwan ako dito?! Hindi ka makakatakas bruha!

"Ah! Pagod ka na at nasisira na yang nail polish mo? Ok." Ipangpatuloy ko yung paghihiwa nung manok. "Pwede ka namang umalis at iwan ang mga yan."

"Really? Ang bait mo ata ngayon?" Mabait? The hell! Asa naman siya.

"Thanks. Pero, hindi ko sinabing magpapahinga ka. Hindi ko kayang gawin lahat ng ito kaya pwede kang makipagpalit kay Brian at ikaw ang magsibak ng kahoy."

"Are you crazy?! Babae ako tapos pagsisibakin mo ko ng kahoy?!"

"Baliw na kung baliw pero hindi uubra sa akin yang pagka spoiled brat mo. Ok lang din naman kung ayaw mong mag sibak, pero wag kang umasa na makakain ka mamaya."

"Tch. Witch." Inirapan niya ko at tinuloy yung paghuhugas niya.

"Don't call me witch, hindi tayo magkauri."

"Hindi talaga. Princess ako at ikaw yung witch na sumumpa sa akin." Sleeping beauty lang ang peg?

"Alam mo kung ako yung witch na sumumpa sayo, hindi lang matagal na pag tulog ang aabutin mo. Baka nasa impyerno ka na ngayon."

"Aish!" Hindi na ulit siya sumagod. Ano? Barado ka ngayon! Tch. Alam niyo, konti na lang at mauubusan na ko ng pasensya sa babaeng ito. Paano ba naman, hindi lang puro reklamo ang ginawa niya kundi puro paglalandi din! Aish! Dinaig pa nga niya yung linta sa sobrang dikit niya kay Brian eh.

Nung malaman ko na kagrupo ko siya at si Brian ay nakaramdam na ko na mangyayari ito. Aware kasi ako sa feelings ni Mitch para kay Brian at yung plano niya na pag-agaw dito kay Zoe. At dahil isa akong mabait na kaibigan ay gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang mga plano niya.

"Tch. Pano ako makakalapit kay Brian kung laging epal itong bruha na to." Bulong nito sa sarili niya. May saltik din pala sa utak to eh.

"Hindi ko talaga alam kung anong nakita niyo kay Brian. Alam niyo namang napakalampa at ni hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya pero pinag-aagawan niyo siya?"

"Kayo ang walang alam tungkol kay Brian." Napa-tingin ako sa kanya. "Hindi niyo kilala si Brian kaya nasasabi niyo yung mga ganyang bagay."

"So sinasabi mo na mas kilala mo si Brian kaysa sa amin?"

"Oo." Seryosong sagot niya. "Mas kilala ko si Brian kaysa sa inyo... kaysa kay Zoe." Naghugas siya ng kamay at tuluyan ng umalis.

"Mas kilala huh?" Tinignan ko si Brian na hanggang ngayon ay nagsisibak pa din ng kahoy. Anong sikreto pa ba ang tinatago ng lalaking ito? Tyaka, kung makapag salita si Mitch parang ang dami niyang alam.

-x-x-x-x-x-

Mitch's POV

Agh! Bakit ba sobrang epal ng Katherine na yan?! Kung maka hadlang sa mga plano ko, kala mo siya yung fiancée eh! Tch. Ka-group ko nga si Brian pero hindi naman ako basta-basta maka kilos dahil sa babaeng 'yon. Aish! Libing ko siya ng buhay eh. Sigh.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon