Chapter 04: Past

507 19 1
                                    

ZOE's POV

"Mapapahamak talaga kayong dalawa pag nalaman nila ang totoo." Sabi ko nga eh. Bakit ko ba kasi sinabi yun? Pambihira naman kasi 'tong si Brian eh. -___-

"Alam ko yun. Kaya nga kailangan namin ng tulong mo eh." Pinagdikit ko yung mga palad ko. "Please, wag mong ipagsasabi sa iba yung naring mo." Pag mamakaawa ko sa kanya.

"Alam ko. Kaya nga ko nandito para tulungan kayo eh. Sinabi kasi ni Ena sa akin yung sitwasypn mo." Haay! Buti na lang talaga at may maalalahanin akong bestfriend at hindi ako kayang pabayaan. T_T

"At dahil sa ugali ni Brian, siguradong mahihirapan ka na ipag tanggol siya." Tumingin ito kay Brian. Siguradong-sigurado talaga Amber. 

Bakit kasi ganyan yung ugali niya eh? Mas ok pa talaga sa akin kung naging bad boy na lang siya. Yung tipong siya yung nambubully? Mas madali kasing pabaitin yung ganun eh. Kaysa naman sa lalaking duwag at hindi kayang ipagtanggol ang sarili niya. 

"Sorry. A-ayoko lang kasi talaga ng gulo eh." Naku, ayan nanaman siya sa ugali niyang yan.

"Sinabi ko na sayo Brian, hindi gulo ang gagawin mo. Ipagtatanggol mo lang yang SARILI mo!"

"S-sorry." Napa face palm na lang ako dahil sa kanya at tumawa naman si Amber. Naku naman! Kailan kaya tatapang 'to? Sigh.

"Mabuti pa, sa ibang araw na lang natin pag-usapan ulit ang problema niyong yan." Tumayo si Amber at pinagpagan yung pantalon niya. "Kailangan na nating pumasok dahil malapit na mag start yung next subject natin."

"Tama ka dyan. Brian," tumingin ako sa kanya. "Tara na." Nag nod lang ito at sumunod na sa amin ni Amber.

Pag dating namin sa room ay saktong dumating na din yung professor kaya wala ng time yung mga classmates namin na bullyhin o interogahin pa si Brian ng tungkol sa aming dalawa. Sa mga ganitong oras ako nagpapasalamat kapag dumadating yung mga professor ng maaga.

- - - -

"Pano, kita na lang tayo bukas. May pictorial pa kasi ako eh."

 

"Sige, salamat sa pag tulong ah? Bye." Nag paalam na si Amber sa amin tyaka umalis. Buti na lang talaga at may iba pa kong nakakasama dito sa school maliban sa Brian na 'to. -___-

Sumakay na kami ni Brian sa kotse. Di pa kami uuwi, dadaan muna kami ng mall kasi bibili daw siya ng bagong drum stick. Sira na daw kasi yung dating ginagamit niya eh. Tyaka, inutusan din pala siya ni Tita na bilhan daw ako ng bagong cellphone. Maayos pa naman yung cellphone ko ah? Palibhasa kasi walang camera at hindi pa colored. Kasalanan ko ba? Eh, yun lang ang kaya ng pera ko. Tyaka, call and text lang naman yung kailangan ko dun. Haay.

Nauna na si Brian sa bilihan ng mga instruments. Nagpunta pa kasi ako ng cr dahil kailangan ko na talagang mag labas ng tubig sa katawan eh. Pumunta din naman ako agad kay Brian pag katapos kong mag CR dahil baka kung ano nanaman ang mangyari sa lalaking yu—speaking of Brian. Ayun siya sa labas ng shop at may kausap na lalaki. Gagalit na galit sa kanya ito.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon