ALLEN's POV
Pagkatapos ng pageant ay umuwi na kami ng pinsan kong si Mitch. Hinatak ko na siya para maka uwi agad dahil mang gugulo lang yun doon. Grabe pa naman ang pagka war freak ng bruhang ito. Talagang hindi niya titigilan yung kaaway niya hangga't hindi niya ito nasasaktan.
"Bakit mo ko inawat kanina?!" Iritang tanong niya sa akin habang papasok kami ng bahay.
"Gagawa ka nanaman kasi ng gulo kung hindi kita inawat." Sagot ko habang paakyat sa kwarto ko.
"I don't care kung gumawa ko ng gulo dun! Alam mo namang ayoko ng natatalo ako!" Sigaw niya habang sumusunod sa akin.
"Hindi ka pa naman talo eh." Binaba ko yung bag ko sa kama at nag tanggal ng sapatos.
"Hindi pa talo?! Siya yung Ms. East Scarlet, Allen! At alam mong kapag nakuha ko na ang isang bagay, ayokong pinamimigay ito!" Kumuha ako ng t-shirt sa cabinet ko at nagpalit habang pinapakinggan si Mitch sa pag dadakdak niya. Wag kayong mag-alala, sanay na kami ni Mitch sa isa't-isa kaya ok lang kahit na magbihis ako sa harapan niya.
"Hayaan mo ng mapunta sa kanya yun." Sabay higa ko sa kama. "ARAY!!" Tumabi siya sa akin at hinampas ako sa tyan.
"Bakit mo ginawa yun?!" Badtrip na tanong ko sa kanya habang hawak-hawak yung tyan ko. Takte, kawawa nanaman yung abs ko sa kanya.
"Bakit mo kinakampihan yung babaeng yun?! Don't tell me, interisado ka sa kanya?" Nag cross arms siya at nagtaas ng isang kilay.
"Wala ka na dun." Sagot ko. Warfreak na, chismosa pa. Tss.
"ALLEN!! Diba sabi mo hindi pwedeng mag secret sa isa't-isa?!" Agh! Ang sakit na ng tenga ko kakasigaw nito.
"Fine. Interisado ako kay Zoe."
"Ang panget talaga ng taste mo sa babae." Hinilot-hilot niya yung ulo niya na para bang na istress sa sinabi ko. Wow! Siya pa talaga na stress sa akin ah?
"Ha, nag salita ang mas panget ang taste." Pang-aasar ko. Binigyan naman niya ko ng masamang tingin.
"Shut up! Tss. Sakit talaga sa ulo yung babae na yun." Mas sakit ka ulo no.
"Mabuti pa, matulog ka na."
"Mas mabuti pa nga. Masisira lang ang beauty ko kakaisip sa kanya. Hmp!" Tumayo siya at lumabad na ng kwarto ko. Pero sigurado ako, na iisipin pa din niya si Zoe pagdating sa kwarto niya. Si Mitch pa? Iisip yan ng paraan para maka ganti sa nang agaw sa kanya. Kilalang kilala yang pinsan ko mula sa bad sides niya, hanggang sa good sides niya (kung may natitira pa), at bago matapos ang gabing ito ay may naisip na siyang plano. Pero kahit ganyan yan, importante sa akin yan.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
Storie d'amoreSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...