Chapter 2: The Ugly Prince
ZOE’s POV
“Miss,” tumingin sa akin yung babae na tinawag ko. “Dito ba yung pila?” Tanong ko.
“Oo. ” nag-thank you ako sa kanya at agad na pumila sa likuran niya.
Nagtataka siguro kayo kung nasaang lupalop ako ng mundo no? Pinuntahan ko lang naman yung address na naka sulat sa flyer na lumipad sa mukha ko. Nakapag-desisyon na kasi ako, kailangan ko talaga ng pera kaya papatusin ko na ‘tong trabahong ‘to. Pinagdadasal ko na lang na matanggap ako at maging mabait yung mapapangasawa ko! FUTURE ko kaya ang nakasalalay dito!
Maya-maya ay may dumating na magarang kotse sa harapan namin, may bumaba na babae dito at tiningnan ako from head to toe tapos toe to head. Sabay pa silang dalawa ng driver niya.
“B-bakit po?” Pagtatakang tanong ko dito. Pangit ba ang suot kong damit? May dumi ba ko? Bakit ganun sila maka-tingin?! Kinikilabutan ako eh! >_<
“Iha,” Lumapit sa akin yung babae. “Come with me.”
“Ha?” Ngumiti siya sa akin tapos humarap sa iba pang naka-pila.
“Yung ibang naka-pila, you may all go home now.”
“What?!” Inis na reaction ng mga naka-pila.
“Ang tagal naming nag-hintay tapos paalisin mo kami?!”
“Hindi pa nga nag-uumpisa yung interview eh!”
“Sino ka para paalisin kami?!” Bwisit na tanong nung isang naka-pila.
“I’m Mrs. Martinez, the mother of her future husband.” O________________o Haaa?! Tama ba yung narinig ko?! Mother of my future husband?! As in, FUTURE??? Binalik ni Mrs. Martinez yung tingin niya sa akin.
“You, halika sa office ko.” Iniwan niya yung mga naka-pila na nagrereklamo at pumunta sa office niya, ako naman ay sinundan siya.
Oh my gaaaaad! Tanggap na kaya ko, kaya niya ko pinapunta sa office niya? Andun kaya yung future husband ko? Sana nga andun para makita ko na siya! <3 Pinatong ni Mrs. Martinez yung bag niya sa table at umupo, ako naman ay nana-tiling naka-tayo.
“What’s your name?”
“A-ahm... Mikaela Zoe Rodriguez, mam.”
“Haha. Call me, Mama.”
“Po?”
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...