Chapter 08: Date?

452 17 4
                                    

ZOE's POV

"Ena, may photo shoot ka?"

 

[Yup. Why?]

 

"Ay, naghahanap ako ng kasama. Wala kong magawa eh.  Si Amber kaya?"

 

[HAHA. Tiisin mo yang pagka boring mo dahil kasama ko si Amber sa photoshoot. :D]

Nilapag ko yung cellphone sa kama at nagpagulong-gulong. Bakit ba ang bi-busy ng mga kaibigan ko? Tss. Kung kelan binigyan na ko ni Tita ng sweldo ko, dun naman ako walang kasama lumabas. Agh! Ang boring dito ah? Ang laki ng bahay, wala ka namang magawa. Tss.

"Zoe," Napa tingin ako sa pintuan. Di marunong kumatok?

"Why?"

 

"Ah... Gusto mong... sumama... sa E.K?"

 

"E.K?"

 

"Enchanted Kingdom." Alam ko yun, syunga.  Himala at nagyaya siyang mag E.K?

"Ok. Mag aayos lang ako."

 

"Talaga?!" Naka ngiti siya sa akin. "Yes!" Agad niyang sinara yung pinto at halatang excited na excited. Pasalamat siya dahil boring dito. Kung hindi, hindi ko siya sasamahan.

----------

"WAAAAAAAAAH!" Takte! Bakit ba niya ko hinila dito?!  Hindi naman ako pumayag na sumakay kami sa roller coaster ah?!

"WAAAAAAAAAH!" Tama na! Gusto ko pang mabuhay!

"Ang saya nun Zoe!" Sabi ni Brian sa akin ng makababa kami ng roller coaster.

"Anong masaya dun? Papatayin mo ba ko sa nerbyos?" Iritang sagot ko sa kanya.

"Hehe. Sorry. Na eexcite lang kasi ako eh." Nag peace sign ito. Langya ka, yung excitement mo yung papatay sa akin eh!

"Tss. Wag naman yung nakakamatay na rides!"

 

"Sige!" Idinikit nito yung hintuturo niya sa pisngi at nag isip. "Alam ko na! Anchors away naman!"

"Ano?!" Agad niya kong hinila para sumakay sa anchors away. Walang masyadong pila kaya nakasakay kami agad.

"Brian! SABI KO WAG YU--WAAAAAAH!" Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko ay nag umpisa na siyang umandar. MAPAPATAY TALAGA KITA BRIAN LUKE MARTINEZ!!! WAAAAAAAH! Napa tingin ako sa kamay ko ng may maramdaman akong humawak dito.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon