"Nag seselos ako kasi... Mahal kita." Blush. Yung luha ko napalitan ng pag bu-blush nung marinig ko yung mga sinabi ni Brian. Iniangat niya yung ulo ko at unti-unti nitong inilapit sa akin yung mukha niya. Sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin ay napapikit ako at ang tanging naramdaman ko na lang ay yung pag lapat ng labi niya sa labi ko.
After nung kiss ay napaluhod na lang ako sa sahig. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari para kasing panaginip lang ang lahat ng ito. Anytime, pwede may gumising sa akin at mawala ang lahat ng ito.
"Zoe?" Umupo din si Brian. Hindi ako umimik at nakatingin pa din ako sa sahig.
"Zoe..."
"Ugh! S-sorry..." Eh? Napa tingin ako sa kanya nung marinig ko yung salitang sorry. Panaginip lang nga ba ang lahat ng ito?
"Dapat hindi ko ginawa yun eh. Aish!" Ginulo nito yung buhok niya. "Sorry." Iniwas ni Brian yung tingin niya sa akin at tinakpan yung mukha niya na sobrang namumula na.
"Pff—" Pinigil ko yung tawa ko. Bumalik nanaman kasi yung isip batang Brian. Muli itong tumingin sa akin pero this time, may halo na itong pagtataka.
"Zo—" Huminto ito sa pag sasalita ng bigla ko siyang akapin.
"Thank you." Bulong ko dito.
-x-x-x-x-x-
"Kamusta na kaya sila?" Tanong ko sa mga kasama ko. Halos isang oras na kasi ang lumipas ng iwan namin sila Zoe at Brian sa kwarto.
"Wag mo na silang alalahanin, malaki na sila." Sagot ni Nicko sa akin.
"Tama si Nicko. Ang alalahanin mo ay yung inyong dalawa." Hirit naman ni Amber.
"Shut up, Amber." Tiningnan ko ito ng masama.
"Ang kadiri niyo." Asar na sabi naman ni Mitch.
"Bakit kasi andito ka pa?" Tanong naman ni Kath. Hindi ko nga rin alam kung bakit andito pa si Mitch at Allen eh. Pwede naman ng umalis na silang dalawa diba?
"Ask Nicko. Kanina ko pa gustong umalis pero pinigilan niya kami." Tumingin kami kay Nicko.
"Wag mong sabihin na pinagpapalit mo na si Ena kay Mitch?" Hirit ni Chris.
"Impossible yun. Tanga." Hirit ni Amber sa kanya.
"Maka tanga ah? Bansot."
"Ano?!"
"Woi, tama na yan." Pag pigil naman ni Kath.
"Nicko," Tumingin si Allen ng seryoso kay Nicko. Parang may kakaiba sa kanila. Iba kasi yung aura ni Nicko at Allen eh. Parang anytime mag sasapakan sila.
"Mitch—"
"Tara na." Bago pa matapos mag salita si Nicko ay hinila na ni Allen ang pinsan niya para umalis.
"Allen!" Napa hinto ito ng tawagin siya ni Nicko may pag ka seryoso yung tono ng boses nito.
"Tch." Wait, ngayon ko lang nakitang ganito ka seryoso si Nicko. Pati yung pag taas ng boses niya, ngayon ko lang din narinig. Si Nicko kasi yung pinaka kalmado sa aming magkakaibigan, yung tipong galit na kami siya nakangiti pa din.
"Ano bang kailangan mo Nicko?" Tanong ng iretableng si Mitch.
"Siguraduhin mong wala kang kinalaman sa nagtataka sa buhay ni Zoe." Nagulat si Mitch sa narinig niya.
"Wait, Nicko!" Hirit ko. "Alam kong galit si Mitch kay Zoe pero wag mo namang isisi sa kanya."
"Bakit mo ba siya pinagtatanggol?" Tanong ni Kath. "Sa lahat ng tao siya ang may pinaka malaking chance na gawin kay Zoe 'yon."
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...