Chapter 35: Brian

63 4 0
                                    

"WAAAAAAH!" Wala akong ibang naririnig kundi ang pag-sigaw ni Mitch at pag basag ng mga gamit niya sa kwarto. Pagka-uwi na pagka-uwi pa lang namin mula sa camp ay dumiretso na siya ng kwarto niya at nag simulang mag wala. Bakit? Dahil kay Nicko. Hindi niya matanggap na sasabihan siya ni Nicko ng ganun sa harapan ni Ena at ng mga barkada niya.

"Mitch," Kinatok ko yung pinto niya. "Buksan mo 'to." Utos ko.

"No! Leave me alone!" Tch. Binuksan ko yung pinto ng kwarto niya gamit yung susi na nasa akin. Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at nakasandal sa kama, akap niya yung mga binti niya habang umiiyak.

"Why?" Tanong nito. "Bakit mas kinakampihan ni Nicko si Zoe?" Galit na tanong nito.

"..." Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"Kala ko ba kapatid na ang turing niya sa akin? Pero bakit mas kinakampihan niya si Zoe? Bakit pinaghihinalaan niya ako? Siguro nga tama sila na matagal na niya tayong kinalimutan. Matagal ng wala yung Nicko na kilala natin." Mas lalong umiyak si Mitch pagkatapos niyang magsalita.

Hindi naman sa kinalimutan kami ni Nicko eh. Alam ko kung bakit hindi niya magawang dalawin kami dito sa bahay ni Tito at alam ko din na gumagawa siya ng paraan para ma contact kami ni Mitch pero yung mga tao ni Lola ang humarang sa kanya.

"Allen..." Tumingin ito sa akin na parang isang bata na nawalan ng laruan.

"Bakit lahat na lang kinukuha ni Zoe?" Sigh. Inakap ko si Mitch at hinimas ang buhok nito.

"Sana nga mawala na lang sa mundong ito si Zoe."

"Stop that." Muli ko itong tiningnan. Nagtakip ito ng kumot at hindi na niya ko muling inimik pa. Sigh.

-x-x-x-x-

Ding. Dong.

Hindi ko pinansin yung doorbell at tinuloy ko lang yung pagtulog ko. Wala ako sa mood na makipag-usap sa ibang tao at gusto ko lang ay ang magpahinga.

Ding. Dong. Ding. Dong. Ding. Dong. Patuloy pa din ang hindi ko pag pasin dito hanggang sa tumigil na siya. Siguro na realize niyang walang tao dito sa loob kaya tinigilan na niya. Tyaka, sino naman ang bibisita sa akin dito sa bahay? Wala namang nakakaalam kung saan talaga ako nakatira eh. Ipagpapatuloy ko na sana yung pag tulog ko ng mag ring naman yung cellphone ko. Aish! Sino nanaman 'yan? Kinuha ko yung cellphone ko at nagulat ako ng makita ko yung caller, si Ena. Sa buong buhay na magkakilala kami ay ito ang unang beses na tumawag siya sa akin. Kung may kailangan kasi siya ay iba ang pinapatawag niya sa akin.

"Hel---" Bago pa ko matapos sa sasabihin ko ay agad kong narinig ang sigaw nito.

"Nasaan ka?!" Bungad agad nito sa akin.

"Nasa bahay."

"Kung nandyan ka, bakit hindi mo binubuksan ang pinto?!" Sigaw nito sa akin. Wai--nandito siya sa bahay?! Agad akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto. Naiinis na siyang nakatingin sa akin ng buksan ko ito.

"Tch. Bubuksan din pala, pinatagal pa!" Hindi na ko pinansin nito at dumiretso ng pasok sa bahay. Anong ginagawa niya dito at pano niya nalaman na dito ako nakatira? Ang alam niya lang kasi na address ay yung sa hotel ni Papa. Nakita ko inilapag niya sa kusina yung bitbit niyang plastic bag at nag simula ng mag luto.

"Ena," Huminto ito sa pagluluto. "Anong ginagawa mo dito?" Hindi ako pinansin nito at pinagpatuloy lang ang pagluluto niya. Sigh. Iniwan ko na lang siya at umupo sa sala.

Ano kayang pinunta niya dito? Haay. Tiningnan ko lang siya mula sa sala, seryoso ito sa pagluluto niya kaya hindi man lang niya napansin na nakatingin na pala ako sa kanya. Smiles. Kung ganito siguro lagi ang nakikita ko tuwing umaga ay good mood ako araw-araw.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon