Chapter 31: The Witch is back!

223 14 14
                                    

A/N: Update ulit! Enjoy po! :)

- Zenskie29


--------------------------------------


"Hi Brian."

"Hi." Bati din sa kanila nito bago lumabas ng classroom.

"Alam mo ang cool na ni Brian sa paningin ko."

"Hindi ako kokontra sa sinabi mo. Lalo na nung nasa pageant? OMG! Kung pwede lang siyang agawin kay Zoe ng mga panahon na 'yon ay ginawa ko na."

"Sinabi mo pa. Sayang nga lang at may Zoe na siya eh."

"Ano naman kung may Zoe na siya? Asawa nga naagaw eh, fiancé pa kaya?"

"Oi Mae, wag ka ngang magsabi ng ganyan. Baka marinig ka ni Zoe." Sigh. Ito talagang mga classmate ko walang ibang ginawa kundi ang mag chismisan. Tch.

Simula nung imake-over namin si Brian at nanalo ito sa pageant ay nagiging popular na ito sa school. Lalo na ngayon na lagi niyang kasama sila Nicko at Cris dahil naiimpluwensyahan na nila ito pero syempre, in a good way naman.

"Zoe," Tiningnan ko si Ena ng tawagin ako nito. "Nababahala ka no?"

"Ha?" Anong sinasabi nito?

"May mga iba ng nagkakagugusto kay Brian."

"Oh? Ano naman?"

"Hindi ka ba nababahala?" Tanong naman ni Amber.

"Bakit naman ako mababahala?" Napa facepalm sila pareho ng hindi ko makuha kung anong ibig sabihin nila.

"Marami ng nagkakagusto kay Brian. Ibig sabhin, mas malaki na ang possibility na ma inlove siya sa iba." Pag papaliwanag ni Amber.

"Ok lang ba sayo yun? Hindi ka ba nababahala na magkagusto siya sa iba?" Napaisip ako sa sinabi nila.. At oo, may point sila. Mas malaki na yung chance na mainlove siya sa iba pero may magagawa ba ko kung iba yung mamahalin niya?

"Ano ba kayo, hindi naman ako ang may hawak ng puso ni Brian eh. Wala naman akong magagawa kung iba ang mahal niya."

"Meron Zoe," Nabaling yung pansin namin kay Kath na kakapasok lang ng classroom. Hindi pa kasi nag istart yung klase kaya tumatambay muna siya sa amin. "kung sasabihin mo sa kanya yung feelings mo."

"Tama si Kay-kay."

"Alam niyo kung sabihin ko man na may feelings ako sa kanya, hindi pa din mababago na iba yung gusto niya. Tyaka, wala akong feelings sa kanya."

"Sa amin ka pa ba mag sisinungaling?"

"Bakit mo naman nasabi na nagsisinungaling ako Ena?"

"Alam ko na naiinlove ka na kay Brian." Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni Ena.

"H-ha?"

"Wag mo ng ideny. Zoe, ok lang ba talaga sayo na mainlove siya sa iba?"

-x-x-x-x-x-

Zoe, ok lang ba talaga sayo na mainlove siya sa iba? Nung maalala ko yung sinabi ni Amber ay nakaramadam ako ng sakit sa dibdib ko. Ok nga lang ba talaga sa akin? Agh! Bahagya kong ginulo yung buhok ko at tiningnan muli yung assignment ko sa math. Bakit ko ba iniisip 'yun? Si Brian lang naman yung makakapag desisyon pagdating sa ganung bagay eh. Tyaka, ano namang mababago kung sasabihin ko yung feelings ko sa kanya? Wala naman diba? Mas lalo lang magiging kumplikado lang lahat. Maliban doon, nasa contract na kapag na inlove si Brian ay mawawala yung pagiging fiancé ko kaya mas ok ng hindi niya malaman.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon