Riiiiing!
Nag-simula ng mag si labasan yung mga classmate ko ng lumabas ang teacher namin. Niligpit ko ang mga gamit ko tyaka tiningnan yung oras sa relo ko.
“2pm, may 1 hour pa ko para pumunta sa part time ko.”
“Ibig sabihin ba niyan ay hindi ka nanaman sasama sa amin sa panunuod ng sine?” Tanong ng bestfriend ko.
“Naku, alam mo naman na busy akong tao eh. Tyaka, dagdag gastos lang yan.” Kinuha ko yung bag na naka patong sa table ko at dumiretso sa pintuan.
“Mauna na ko, kita kits na lang bukas.” Nag-wave ako sa kanila at tuluyang umalis ng school.
Ako nga pala si Mikaela Zoe Rodriguez, Zoe for short. Isa lang akong simpleng babae na may malaking problema sa pera. Kasalanan kasi ‘to ng walang hiya kong nanay, hindi naman kami magkakaroon ng ganitong problema kung hindi dahil sa kanya eh. Simula ng mawalan ng trabaho yung papa ko ay araw-araw ng nasa sugalan si mama at pag-gabi naman ay nasa inuman. Ganyan siya hanggang sa maubos na yung ipong pera ni papa. Dahil din sa kanya kaya hindi na nadala sa ospital si papa ng atakihin ito sa puso. Sinasabi niya na dagdag bayarin lang kung dadalhin pa namin si Papa sa ospital eh, mamatay din naman ito.
Simula ng mamatay si Papa ay iniwan na ko ni Mama at sumama sa ibang lalaki kaya ako na ang gumagawa ng paraan para makapag-aral at mabuhay ako.
“Magandang hapon!” Bati ko sa boss ko. Sales lady ako sa isang book store. Tama lang yung sahod at nakaka-ipon pa rin naman ako.
“Zoe,” malungkot na tawag sa akin ng boss ko. Ah, parang masama ata ang kutob ko dito ah?
“Bakit po?” Tanong ko habang inaayos yung mga libro sa bookshelf.
“Kailangan mo ng maghanap ng trabaho.” Nan-laki yung mga mata ko sa narinig ko. Wait, tama ba yun o nabibingi lang ako?
“Ikaw talaga madam, ang hilig mong magbiro.”
“Mukha ba kong nagbibiro sa lagay na ‘to?!” sigaw sa akin nito na may halong pagka-inis.
“Sandali lang naman po. Bakit naman biglaan ata?”
“Aalis na kasi ako ng bansa kaya isasara ko na ‘tong shop. Maliban dun, hindi na din kasi gaanong kumikita ito.” Madami na kasing nag sulputang malalaking bookstore ngayon kaya wala ng masyadong pumupunta dito sa shop namin.
“Eto,” iniabot sa akin ng boss ko yung brown na sobre. “Sweldo mo ngayong buwan, may bonus na din yan. Pwede ka ng mag-hanap ng bagong trabaho ngayon.” Tinulak ako nito palabas ng shop at ni-lock ang pinto.
“Pambihira! Bakit ngayon pa?!” Sigaw ko habang nasa labas ako ng shop. Binuksan ko yung sobre at binilang ko ang nakalagay dito.
“6000 pesos?” Niloloko ba niya ako?! Eh, saktong swledo ko lang ‘to eh!!! Napa bugtong hininga na lang ako at umupo sa bench na nasa tapat ng shop.
“Ano ng gagawin ko?” habang nakatitig ako sa sobre ay biglang may humablot nito sa akin.
“Yung pera ko…” Sinundan ko ng tingin yung magnanakaw na kumuha ng pera ko hanggang sa mag-sink in na sa utak ko yung nangyari.
“MAGNANAKAW!!!” Sigaw ko at sinundan yung lalaki.
Takte! Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pa ko nanakawan kung kelan wala na kong trabaho? Bakit ngayon pa kung kailan madami akong bayarin? Bakit ngayon pa kung kalian deadline na ng bayarin ko sa inuupahan kong bahay?! Bakit ngayon pa?!!!! KUYA IBALIK MO YUNG PERA KO!!
Huminto ako sa pag-takbo ng hindi ko na makita yung lalaking kumuha ng pera ko.
“Waaaah! Ano ng gagawin ko ngayon?” napa-luhod ako sa kalsada.
“Sana magkaroon ng himala at magkaroon ako ng instant trabaho! Yung tipong hindi pa ko nag-sasalita para sa interview ay tanggap na ako at malaki yung kitaaaa!!!!” nag si-sisigaw na ko sa kalsada at pinagti-tinginan na ng mga tao. Wala kong paki-alam sa kanila! Basta, ang kailangan ko ay tra—bwisit! Ano ba ‘tong papel na ‘to?! Tinanggal ko yung linipad na papel sa mukha ko at binasa.
Wanted: Wife for our Prince
“Wow, pati pag-aasawa ginagawa na din palang trabaho ngayon?” binasa ko yung iba pang details sa nabasa kong flyer at ang pinaka naka-kuha ng pansin ko ay yung sweldo.
25,000pesos! Maliban dun, libre na ang bahay, pagkain, kuryente at kung nag-aaral ay pati tuition fee! (*A*) Pero, wait… kung maga-aapply naman ako dito at magiging asawa ko yung anak nila, pano na yung lovelife ko? Pano kung may magustuhan akong iba? Hmmm… gwapo naman siguro yung anak nila? Pero bakit walang girlfriend? Baka naman masama ang ugali? Kung ugali lang naman ay pwede ko ng pag-tiisan. Ah! Ano ng gagawin ko?! Mag-aapply ba ko o hindi?
MYSTERY MYSTERY
Molla Molla ajig naneun Molla
Gibon Gibon saranggongshig
Saramdeure ibyeolgongshig~
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng marinig kong tumunog ito. Nanlaki muli yung mga mata ko ng makita ko kung sino yung tumatawag…
Bruhitang Palaka Calling…
“Hello?”
“Hoy! Kung wala kang pambayad ngayon, mas mabuti pang mag-impake ka na at maghanap ng malilipatan!!”Beep. Beep. Sh*t! Bakit ba sabay-sabay ang kamalasan ko ngayon?!! Ano bang masamang ginawa ko at pinaparusahan ako ng ganito?!
Muli kong tiningnan yung hawak kong flyer…
Pag-isipan mo ng mabuti ‘to Zoe…
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...