Chapter 13: Photo shoot

459 14 1
                                    

NICKO's POV

"1,2,3!" Click.

 

"One more! 1,2,3!" Click.

 "Ok, 1 hour break!" Sigaw ng photographer namin.  Umupo ako sa may sofa na katabi ng pinto ng dresser room para mag pahinga.

 "After ng break, si Mae naman ang sasalang." Habol ng photographer bago kami tuluyang mag break.

Nasabi ko ba sa inyo na mag kasama kami ngayon ni Ena? Siya yung tinutukoy ng photographer na 'Mae'. Ewan ko ba kung bakit Mae ang pinili nilang itawag sa kanya. Mas maganda naman yung Ena. Pero dahil sa yun na yung naka sanayan nilang itawag, di na natin mababago yun.

Napa tingin ako sa pinto ng marinig kong mag bukas iyon at bumungad sa akin si Ena na naka suot ng wedding dress. Yun kasi ang theme ng photo shoot namin ngayon at kung siya ang bride, syempre, ako ang groom.

"Wow! Ganda ng wife ko." Bati ko sa kanya. Tumingin ito ng masama sa akin.

 

"Ang kapal ng mukha mo. Anong wife? Kahit kailan, hindi ako papayag na maging wife mo!" Sagot niya sa akin. Tumayo ako at nilapitan siya tyaka hinawakan yung dulo ng buhok niya.

"Sus. Nagpapakipot pa ang asaw—Aray!" Naputol yung sasabihin ko at  napa hawak sa sikmura ko ng maramdaman kong may sumuntok dito.

"Tama lang sayo yan." Ngumisi ito na may halong pang aasar tyaka iniwan ako. Minsan talaga lalaki kung kumilos itong si Ena eh. Ang sakit nung suntok niya ah. Tss.

Nung medyo bumuti na yung lagay ng sikmura ko ay pumasok ako sa dresser room para kuhain yung earphones at cellphone ko tyaka bumalik sa dati kong pwesto. Sinalpak ko yung earphones sa tenga ko tyaka nagpatugtog habang tinitingnan yung ginagawa ni Ena.

Alam niyo ba na hindi ko unang nakita si Ena sa school o kaya dito sa studio? Gusto niyong malaman kung saan? Ikukwento ko sa inyo pero magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Nicko Salazar. Isa akong model at alam niyo na yun diba? Yung tatay ko mayaman, pero ako, hindi. Syempre, kanya namang pera iyon eh, hindi sa akin. Hiwalay na yung mga magulang ko at kay Mama ako sumama. Ayoko nga kay Papa. Ipipilit niya lang sa akin yung business niya kapag sa kanya ako sumama. Tyaka, ayokong iwan si Mama ng mag-isa pero ako, iniwan na niya.

3 months na ang lumipas ng mamatay si Mama ng dahil sa sakit kaya mag-isa na lang ako. Kinukuha ako ni Papa ng mamatay si Mama pero hindi ako pumayag. Gaya nga ng sinabi ko kanina, pipilitin niya lang akong gawin ang ayaw ko.  Kaya mas pinili ko ang mabuhay ng mag-isa. Nung mamatay si Mama ay may binigay na bank account sa akin si tita. Sabi niya, inipon daw ni mama yun habang nag tatrabaho ito para sa oras na mawala siya ay may maiiwan sa akin. Hindi daw ginagalaw ni mama yun kaya umabot ng 2.5M. Ang laki no? Magaling kasi si mama, kaya kahit na hiwalay na sila ni Papa ay hindi ito pumayag na umalis si mama ng company.

Sinusuportahan naman ako ni Papa sa pag-aaral ko at mga pangangailangan ko pero ayoko namang umasa lang sa kanya. Kaya nung mawala si Mama, nag hanap ako ng trabaho para may sarili akong income. Yung mga padala ni papa, ginagastos ko lang yun kapag kailangan sa school pero yung mga personal needs ko at bayarin sa bahay ay sa sweldo ko kinukuha. Ang bait kong bata no? HAHA!

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon