Chapter 26: Family

249 16 0
                                    

"Bilisan mo pa papa!" Sigaw ni Mika kay Brian habang ako naman ay nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan namin. Grabe yung trabaho ko dito, all around. Fiancé/yaya/babysitter ni Brian at Mika. Dapat doble bayad nito with Christmas bonus, 13th month pay, SSS, PAG-IBIG at PhilHealth eh. Haay! Bakit kasi ang aga ni Tita na pag bakasyunin yung mga kasambahay at driver? Pwede namang 2 days before Christmas. Tss. Tapos itong si Mika naman, gusto pa maglaro ng bahay-bahayan. Eto naman ako, hindi siya magawang tanggihan. Hay! Ewan ko ba, pero ang hirap tanggihan ng batang ito.

Beep! Beep!

Sino naman kaya 'to? Hinugasan ko yung kamay ko tyaka pinunasan. Kinuha ko yung cellphone ko at tingnan kung sino yung nag text sa akin.

"Si Tita?" Binuksan ko yung message.

"E—eh?!" Sigaw ko—hindi lang pala ako, pati si Brian. Wait, si Brian? Pinuntahan ko sila sa sala para tingnan kung may nangyari ba.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"W-wala naman." Tinakpan nito yung bibig niya gamit yung likod ng palad niya at tinago yung cellphone tyaka umiwas ng tingin sa akin.

"May tinext lang si Mama." Sagot nito habang namumula siya. Hindi kaya... Bumalik ako sa kusina para tingnan yung message ni Tita.

"E—eh?!"

One happy family! Excited na tuloy akong magka-apo sa inyong dalawa! Kasama ng message ni Tita ay yung picture naming tatlo nila Mika at Brian. Yung habang natutulog kami tapos naka akap silang dalawa sa akin.

Pambihira, gusto na agad magka apo? Eh, hindi pa nga kami nakaka graduate! Grabe lang! Minsan tuloy gusto ko ng sabihan si Brian na mainlove na sa iba para makaalis na ko sa trabahong ito eh. Baka kasi pag nainip itong si Tita ay utusan na niya si Brian na rape-in ako para magka-apo na siya eh! Takte! Ayoko pa magka-anak! Bata pa ko para sa ganyang mga bagay at marami pa kong pangarap sa buhay!!!

"Mama!" Mama? Kakasabi ko lang na ayoko pang maging nanay eh! Bakit may tumatawag na sa aking mama?

"Mama!" Aish! Nag ha-hallucinate na ata ako? Kung ano-ano ng naririnig ko eh.

"MAMA!"


"WAAAH!" Napa-tingin ako sa humila ng kamay ko. "M-Mika?" Naka-pout ito at umiwas ng tingin sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag Mama, pero mukhang malalim yung iniisip mo." Tinatawag? Oo nga pala, Mama nga pala ang tawag sa akin ni Mika ngayon dahil sa larong bahay-bahayan na gusto niya.

"S-sorry."


"Wag mo kasing masyadong isipin si Papa, andyan lang naman siya oh!" Tinuro nito si Brian na nasa harap ng ref. Blush.

"A-ano ba yang sinasabi mo Mika? Hindi naman si Papa ang iniisip ko eh."


"Hindi si Papa? Ibig sabihin ibang lalaki ang iniisip mo?! Waaah! Pinagpapalit mo na si Papa!—" Blag! Sabay kaming napa tingin ni Mika kay Brian ng may narinig kaming nabasag.

"Papa!" Agad na lumapit si Mika rito.

"S-sorry, nadulas kasi sa kamay ko yung pitsel eh. A-ako na lang ang mag lilinis." Natatarantang pag piprisinta niya. Agad itong umupo at pinulut isa-isa yung mga bubog na nasa sahig, kumuha naman ako ng plastic bag para paglagyan ng mga napulot nitong bubog.

WANTED: Wife for the Ugly PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon