Chapter 07: Transferee
ZOE’s POV
“Hey, sino yang kasama ni Zoe?”
“Is that Brian?”
“Wait, are you kidding? Impossibleng maging si Brian yan.”
Wala akong ibang naririnig habang papasok kami ng school kundi yung mga tanong nila kung sino yung kasama ko. Bakit? Kasi, nag bago na si Brian dahil sa dalawang kupal na yun.Well, yung appearance lang naman. Pero yung ugali? Naku, aabutin pa ata sila ng pag puti ng uwak bago mabago ang pagka-isip bata ng lalaking yun.
“Hey.” Bati ni Amber sa amin at umupo sa harap ko.
“Good morning Amber!” Naka ngiting bati sa kanya ni Brian.
“Good morning. Bat parang ang init ng ulo mo Zoe?” Tiningnan ko lang siya tapos binalik ko yung tingin ko sa labas ng bintana.
“Hee? Bakit ang init ng ulo niyan?”
“Hindi ko nga alam eh. Simula ng dumating kami dito sa school ganyan na siya.”
“Baka naman may ginawa kang kakaiba dito?” Biro sa kanya nito. Siraulo talaga ‘to. Tss.
“H-hah? W-wala ah! Hi-hindi nga niya ko kinakausap eh.” Nag pout ito at pinaglalaruan yung mga daliri niya. Pano ko nalaman? Nakikita ko sa salamin ng bintana at nakikita ko din yung mga babaeng naka tingin kay Brian habang nag-uusap sila ni Amber. Ang lalandi talaga. Tss.
‘Di rin nag tagal ay dumating na yung professor namin kaya bumalik ang katahimikan sa loob ng classroom. Haay! Sa wakas! Nanahimik din.
“Good morning class.” Bati nito. Anong maganda sa umaga kung ang nakikita mo ay ang malalanding babae sa paligid? Agh! Bakit ba ko nagkaka ganito?
“Good news,” Good news nga ba talaga? “Meron kayong new classmate. Pumasok ka na at mag pakilala.” Good news ba yung may bago kaming classmate? Baka mamaya ay dumagdag lang yan sa mga malalanding babae dito o kaya sa mga nam bubully na lalaki.
“Good morning.” Familiar yung boses niya. Sa labas pa din kasi ako ng bintana nakatingin eh, kaya hindi ko alam ang itsura ng bago naming classmate. Ang alam ko lang ay babae siya. “I’m Sheena Mae Mendoza, Ena for short.” Nang marinig ko ang pangalang ‘Sheena Mae Mendoza’ ay napa tingin ako sa harapan. Si Ena nga! Ang bestfriend kong loka-loka at mahal na mahal ako!
“Ms. Mendoza, i-describe mo ang sarili mo sa kanila.” Utos ng prof namin.
“Ok. I’m a model, pareho kami ng company ni Amber.”
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomanceSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...