ZOE's POV
Umupo ako at tiningnan yung oras sa cellphone ko ng magising ako. 3 a.m.
Nasa kwarto ako at naramdaman ko na may katabi pala ako. Si Brian. Natutulog siya sa tabi ko habang hawak niya yung isang kamay ko. Bumalik ako sa pagkakahiga at pilit na inaalala yung mga nangyari at kung pano ako nakatulog.
Naghahanda kami kanina para sa Christmas eve ng biglang dumating si Mama. Pinipilit niya kong isama pero dumating sila Brian para tulungan ako. Gusto niya akong kunin dahil sa anak niya daw ako at mas may karapatan siya sa akin. Pero ang totoo, wala siyang karapatan sa akin dahil hindi niya ko tunay na anak. Alam ko din na pera ang dahilan kung bakit siya bumalik sa buhay ko.
Nung pumasok ako ng kwarto, inisip ko na tawagan si Ena dahil sa kanya ko naman sinasabi ang mga problema ko pero napahinto ako. Ayokong sirain yung gabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ang bigat kasi sa pakiramdam. Hanggang sa dumating si Brian para pagaanin yung nararamdaman ko.
"Tuwing may problema o nasasaktan ka, lagi mo na lang akong binabalewala. Sinasarili mo yung mga problema mo at iiyak ka ng mag-isa. Ayaw mong mag rely sa akin kasi iniisip mo na napaka-isip bata ko." Muli akong napa tingin kay Brian at napangiti ng maalala ko yung sinabi niya sa akin kanina.
Ngayon ko lang narealize, na may-isa pang tao ang nag-aalala sa akin maliban kay Ena. Na may isa pang tao ang nasa tabi ko sa tuwing may problema ako at tama siya, binabalewala ko lang siya dahil sa ugaling pinapakita niya. Dahil mas madalas na isip bata siya at gumagawa ng problema sa tuwing kasama ko siya.
Ngayon ko lang narealize na lagi siyang nasa tabi ko para tulungan ako.
Na lagi siyang andyan para pagaanin ang pakiramdam.
Na laging nasa tabi ko yung fiancé ko sa tuwing may prolema ako.
Na laging andito si Brian.
BINABASA MO ANG
WANTED: Wife for the Ugly Prince
RomansaSi Mikaela Zoe Rodriguez ay isang babaeng may malaking problema sa pera. Paano kung makahanap siya ng instant na trabaho? Na ang tanging kailangan niya lang gawin ay ang maging Fiance ng isang PRINCE na si Brian Luke Martinez? Paano kung ang PRINCE...